"S-SIR!" Nilawakan ko ang aking ngiti kahit pilit lamang ito. "W-Welcome back po." Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi.
Hindi ko alam ang aking sasabihin kaya iyon na ang nabanggit ko. Wala naman sigurong mali sa sinabi ko 'di ba?
"Sige sir!" mabilis kong sabi. "Mauna na po ako!" pagmamadali ko.
I-chachat ko na lamang si Severn na sa iba na lang kami magkita.
"Stay still!" pigil niya sa akin nang talikuran ko siya.
Nahinto ako sa paglalakad ngunit nanatili akong nakatalikod. "Ahh, m-may pupuntahan pa po kasi ako!" saad ko nang hindi humaharap sa kaniya. "P-Pasensya na po," usal ko at muling lumakad.
Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang bigla niyang higitin ang aking siko. Agad na tumama ang mukha ko sa mabango at malapad niyang dibdib na s'yang nakapagpalunok sa akin.
"May iba ka pa bang kikitain. . . bukod sa 'kin?" malalim ang kaniyang boses na pagkakasabi.
Napasinghap ako sa lapit ng katawan naming dalawa.
"P-Po?" nautal kong banggit. Sobrang bilis ng tibok sa dibdib ko.
Mayamaya lang ay bumaba ang tingin niya sa hawak kong paper bag. "Can I have my order, ma'am?" tila nang-aakit ang kaniyang boses dahil sa sobrang lambing noon. Nakita ko pa ang pagbaba't taas ng kaniyang lalagukan.
Si Abakada ba talaga 'tong kaharap ko? Nagbaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak pa rin sa aking siko kaya bahagya kong inilayo ito para bitawan niya at iyon nga ang nangyari.
"U-Umorder ka ba?" nautal kong tanong.
"Twenty pieces of One Million Paco Rabanne scent for men. No, I mean twenty items of your men's perfume with a different scent instead."
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang mga chat ni Severn sa akin. "I-Ikaw 'yon?"
Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. Napalunok ako.
"I am."
Mariin kong nakagat ang aking ibabang labi. Gusto kong tumakbo palayo sa kaniya para ilabas ang bahagyang kilig na namumuo sa tiyan ko—pero 'di ko magawa.
Ano bang nangyayari sa 'kin? Parang noong una, gusto ko lang takasan ang tutorial namin at makawala sa kaniya pero bakit ganito? Biglang nag-iba—matapos ay hindi na 'ko nakapagsalita pa.
Bahagya akong napaatras nang mapansin ko ang namumungay at nakakatunaw niyang mga titig—para akong hihigupin ng mga iyon.
Sa bawat pag-atras ko ay ang kaniyang pag-abante.
Lalong kumakabog ang dibdib ko sa ginagawa niya, hanggang sa tumama na lamang ang likod ko sa nakasaradong pinto nang kaniyang sasakyan—wala na akong maaatrasan pa.
Itinaas niya ang isang kamay at itinungkod ito sa sasakyang sinasandalan ko—katabi ng aking ulo. Na-korner niya na 'ko.
Muling bumaba ang tingin niya sa hawak kong paper bag saka kinuha iyon at tinuluyan niya na 'kong ikinulong sa kaniyang mga bisig habang hawak niya ang paper bag na may lamang mga pabango.
"Can we do the tutorial now?" paghingi niya ng permiso. Hindi ko alam ang aking isasagot kaya napatango na lang ako. "I miss you," usal niya.
Bigla kong napigil ang aking hininga sa narinig. Tila nanghihina ang aking mga tuhod. Unti-unti niyang inilapit ang mukha sa akin at ipinikit ang mga mata—para halikan ako nang biglang may tumunog na camera.
Parehas kaming natigilan. Nanlaki ang aking mga mata at mabilis ko siyang naitulak palayo sa akin.
Napalunok ako nang makita ko sina Engr. Cuevas, Engr. Agdan at ang iba naming mga kasamahan sa office na nakangiti at nanonood—habang si Def naman ang may hawak ng camera na nakatutok sa amin.
BINABASA MO ANG
Kissing Tutorial (COMPLETED)
RomanceFaith Cabutihan is a graduating student, but two years ago she was removed as a scholar because of her failing grades. So she needs to work hard and find a job to pay her tuition fee. But all of her income is not enough for her daily needs, and she...
