"FAITH, na-print mo na?" tanong ni Engr. Cuevas.
Agad akong tumayo. "Ipi-print na po!" medyo nataranta kong sabi. Kasi naman, hindi ako maka-move on sa nabasa ko!
Ganyan ba lumandi ang mga engineer?
Wow! Ang kapal naman yata ng mukha ko kung iisipin kong nilalandi niya 'ko!
Umalis ako sa aking table at naglagay ng bondpaper sa loob ng printing machine bago bumalik sa aking pwesto at pinindot ang print button sa nakabukas kong autocad.
Babalik na sana ulit ako roon sa printing machine nang biglang tumayo si Engr. Agdan.
"Ako na," sabi niya habang papalapit sa printer. Malapit lang kasi ito sa pwesto niya.
Ngumiti ako kahit na nakatalikod siya sa akin. "Salamat po," usal ko saka naupo sa aking upuan.
"I like your performance. See you later in the parking lot."
Literal na nanlaki ang aking mga mata at agad na umawang ang aking labi nang marinig ko ang binabasa ni Engr Agdan. Bigla na lamang ding kumabog sa bilis ang aking dibdib at para akong matutuyuan muli ng lalamunan.
Nagkatinginan kami ni Sir A saka muling lumingon kay Engr. Agdan. Nakatingin siya sa hawak-hawak niyang mga bondpaper. Nangunot ang noo ng mga kasamahan namin sa narinig at may ibang napatawa pa.
"Ano 'to?" tanong ni Engr. Agdan saka humarap sa akin.
Sunod-sunod ang naging paglunok ko. Kinagat ko na rin ang aking ibabang labi nang magsi-tinginan na lahat sa akin.
Hala, ba't nakalimutan kong burahin 'yon?! Tangina! Lutang ka na naman Faith Cabutihan!
Kasi naman, bakit nilagay pa 'yon ni Balitaan?!
"A-Ah n-naki—"
"I forgot to erase that," putol ni Sir A sa sasabihin ko kaya mabilis na nalipat ang tingin ng lahat sa kaniya.
Mukha namang walang pakialam si Sir A at agad din siyang nagbalik ng tingin sa kaharap na laptop—'yong parang walang nangyari.
Muli kong mariin na nakagat ang aking ibabang labi at bahagyang ngumiti. "I p-print ko na lang po ulit," suhestiyon ko.
Hindi na sila umimik pa, siguro dahil sa presensya ni Sir A. Pagkatapos ay ini-edit ko na 'yong sinend na drawing sa akin ni Sir A at binura 'yong tinype niya bago ko muling nag-print.
Nang sumapit ang lunch ay niyaya ako no'ng mga kasamahan namin na sumabay mag-lunch sa kanila.
Oo-o na sana ako kasi hindi na tuyo ang ulam ko ngayon kundi meat loaf. Ayos ayos din kahit papano ngunit bigla akong tinawag ni Sir A.
"Faith, I need to talk to you," malamig na wika niya. Natigilan ang lahat at sabay sabay kaming tumingin sa kaniya.
Parang nilalamon na naman ako ng kaba. Anong pag-uusapan namin?
P-Pero teka! Did he just call me Faith? Laging Miss Cabutihan kasi ang tawag niya sa akin.
Nag-pilit ng ngiti sina Engr. Cuevas. "Una na kami Faith. Sunod ka na lang, ha?" aniya.
Bahagya rin akong ngumiti. "S-Sige po."
Paulit-ulit akong huminga nang malalim noong kami na lamang dalawa ang natira. 'Ano kayang kailangan niya?'
Marahan akong lumapit sa kaniya. "Ano pong sasabihin n'yo, sir?" tanong ko at pinilit hindi mapiyok sa sobrang kaba. Para na nga akong kakapusin sa hininga e.
BINABASA MO ANG
Kissing Tutorial (COMPLETED)
RomanceFaith Cabutihan is a graduating student, but two years ago she was removed as a scholar because of her failing grades. So she needs to work hard and find a job to pay her tuition fee. But all of her income is not enough for her daily needs, and she...
