Chapter 6

16K 497 58
                                    

"S-Sir?" 

HALOS manlaki ang aking mga mata nang makita ko si Sir A na nasa tapat ng pinto nitong nirerentahan kong bahay. Mabuti na lamang at nakaayos na ako—handa na para pumunta sa firm.

"A-Ano pong ginagawa n'yo rito?" nagugulat kong tanong.

"Hindi mo ba 'ko papapasukin?" balik niyang tanong. Sunod-sunod ang naging paglunok ko ng laway.

Naka puting long sleeve siya ngayon.

Napatango na lamang ako saka tumabi. Pumasok siya sa loob at nagpalinga-linga ang tingin sa loob ng bahay.

"P-Pasensya na po, maliit lang po 'tong inuupahan ko," nakatungo kong sabi.  "Umupo ka muna, ipagtitimpla ko po kayo ng kape," saad ko at akmang tatalikod na ngunit bigla niyang nahagip ang aking palapulsuhan at hinila ako pabalik.

Biglang bumilis ang tibok sa aking dibdib nang muntik na akong mabangga sa malapad niyang dibdib. Nagsisimula na ring manlamig ang mga palad ko dahil sa ginawa niya.

"S-Sir?" 

Binitawan niya ang pulso ko saka naupo sa maliit na sofa. "No need," aniya at nag-iwas ng tingin. Huminga siya nang malalim. "One hour is too long for the tutorial." 

Mariin kong nakagat ang aking ibabang labi. Kaya ba siya narito? Para sa tutorial? 

Bigla akong peke na natawa. "Oo nga sir!" ngiti aso kong sabi. "Ang haba ng isang oras para sa tutorial!" Napakamot ako sa aking batok bago nag-iwas ng tingin. "What if tama na ang five minutes? Sir?" tanong ko at pinilit ngumiti.

Sana pumayag.

Sana pumayag.

Sana pumayag!

"Tingin ko sir, nakakainip ang isang oras. Baka ma-boring lang kayo, sir!" pangungumbinsi ko. "Mas maganda siguro kapag five minutes lang? Exciting pero di boring."

Marahan akong nagbaba ng tingin sa kaniya para silipin ang kaniyang hitsura pero seryosong seryoso ang kaniyang mga mata sa akin kaya agad ko ring iniiwas ang aking paningin.

Nakakatakot 'yong mga titig niya.

"No," malamig at mabilis niyang sagot kaya nagnakaw-sulyap ako sa kaniya. "I want to start the tutorial now." 

Natigilan ako sa sinabi niya saka bahagyang tumalikod. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at kinagat kong muli ang aking ibabang labi. 

"Thirty minutes in the morning and thirty minutes in the evening."

ANO?!

"S-Sigurado po ba kayo, sir?" nag-aalangan kong tanong.

"Yeah," sagot niya. "Let's start now," aniya at mabilis na nahila ang aking pulso kaya bigla akong napaupo sa kaniyang hita.

Nanlaki ang aking mga mata at agad ding tumayo. "S-Siguro m-magkape muna kayo sir?" pag-iiba ko kaagad. 

Nang dahil sa pagkataranta ay hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumalikod na. "S-Sige sir! magkape muna po kayo!" Pampagising baka nananaginip ka pa sir.

Para kong hinihingal ng dahil sa sobrang kaba. Magsisimula na ba talaga kami ngayon? As in ngayon na?!

Medyo nanginginig pa ang aking kamay nang iabot ko sa kaniya ang kape. Mabuti na lamang ay tinanggap niya 'yon. Pagkatapos ay naupo ako sa kaharap niyang upuan.

Hindi ko talaga alam ang aking gagawin kaya paiwas-iwas ako ng tingin.

"M-May lasa po ba?" basag ko sa katahimikan. Hindi na kasi siya umiimik. Parang concentrate na concentrate siya sa pag higop ng kape tapos 'di ko pa mabasa kung anong iniisip niya.

Kissing Tutorial (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon