Chapter 12

14.6K 367 194
                                    

"N-NO! No! Let me explain!"

"O sige, magpaliwanag ka!" namay-awang kong hamon habang taas na taas ang isa kong kilay.

"Ay s'ya, mauna na ako sa inyo, ha? At ako'y may gagawin pa," singit ni aling Celi bago lumabas ng bahay. "Ituro mo na lang sa kaniya hija kung saan ang kwarto niya," pahabol niyang sabi bago niya kami tuluyang iwan.

Muli namang naupo si Hi sa sofa—ang pangit naman ng pangalan niya. Ang dating ay para kong may binabati. 

Pagkatapos ay umupo rin ako sa ibabaw ng maliit na lamesa—kaharap niya.

"Tumakas kasi ako no'ng gabing 'yon," aniya ng hindi tumitingin sa akin.

Nangunot ang noo ko. "Ha? Huwag mong sabihin na. . . takas ka sa kulunga—"

Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin. "No!" putol niya kaagad sa sasabihin ko. "That's not what I mean."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Tumakas ako sa bahay namin, kaso nahuli ako ng mga body guards ko kaya ayon mabilis akong nakatakbo palayo," aniya at muli na namang nag-iwas ng tingin.

Wow! Sosyal naman, may pa-body guards.

"Bakit ka naman tumakas sa inyo?" pag-uusisa ko.

Huminga siya nang malalim. "Kasi ayokong pumunta ng New York. Kinabukasan na dapat ang flight namin, ihahatid sana 'ko ng papa ko roon, at para masiguro niya na hindi ako makakatakas ay pinabantayan niya 'ko sa mga tauhan niya." Itinungo niya ang kaniyang ulo—nakatingin siya sa sahig. " Gusto nila akong papag-aralin ng engineering o architecture roon." Muli siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Okay na?"

Lalo akong naguluhan, 'di ba dapat ay matuwa pa siya kasi makakapag-aral siya sa ibang bansa?

"'Di ba dapat ay. . . matuwa ka?" pag-aalangan ko at binalewala ang huli niyang sinabi, nangangapa rin ng isasagot ko sa kaniya. "Kasi pagkakataon mo na 'yon para makapag-aral ka sa ibang bansa, magagamit mo pa ang mga matututunan mo rito sa 'tin. Marami kayang estudyante ang nangangarap na makapag-aral pero kapos sila— Ano pa lang nangyari? Nahuli ka ba nila? "

Tama naman ako 'di ba? Dapat ay magpasalamat pa siya sa mga magulang niya.

Umiling siya bago muling huminga nang malalim. "You don't understand."

"Sige, ipaintindi mo sa akin."

Bumuntong hininga siya. "I don't like engineering or architecture."

"E 'di, ibang kurso ang kuhanin mo," saad ko.

"Pero pinipilit nila ako sa kursong hindi ko naman gusto," may kaunting diin niyang sambit at sinalubong ang mga tingin ko. "My Mom is an architect while my Dad is an engineer. 'Yong mga kapatid ko? Ayon, mga engineer na." Bakas ang lungkot sa kaniyang mga mata. "'Si Em-em, 'yong bunso kong kapatid, nag-aaral na ng architecture. Habang ako? Ha!" Suminghal siya. "Ito, hindi maipasa ang bar exam ng engineering. Baka nga maunahan pa 'ko ni Em. Maraming beses na 'kong umulit pero. . . mukhang hindi talaga para sa 'kin ang kursong ito."

Kung kanina ay naiinis ako sa kahanginan niya—ngayon ay nakakaramdam ako ng awa sa kaniya. Naiintindihan ko na.

"K-Kaya ba sa New York ka na nila gustong papag-aralin, kasi baka roon ay pumasa ka?" may pag-aalangan ang aking boses.

"Exactly!" sagot niya saka pekeng natawa. "I'm exhausted."

Napahinga ako ng malalim, kaya pala gano'n na lang ang pagmamadali niya no'ng gabi na bigla niya akong binangga at hinalikan.

Naiintindihan ko siya. Mahirap naman kasi talagang ipaglaban ang kursong 'di mo naman talaga gusto, maliban na lang kung mamahalin mo ito. Pero pa'no kung kagaya niya na 'di magawang mahalin ang kursong ipinipilit sa kaniya ng magulang niya?

Kissing Tutorial (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon