Chapter 4

18.1K 465 112
                                        

DUMATING ang Monday at isa ako sa ipinadala ng school sa pinaka kilalang construction firm para sa on the job training.

Mabuti na lang talaga ang school ang naghanap ng mapapasukan kong kumpanya. Minsan kasi ang student ang naghahanap ng kumpanya para sa OJT nila.

Ang maganda pa rito ay magkakaroon ako ng allowance galing sa company.

"Good morning po," bati ko sa mga engineer na nasa loob.

"Good morning," para kong hangin na binati nila. Siguro ay busy lang sila?

Ngumingiti naman ang ilan sa 'kin. Matapos ay mayroon ng nanguna para ipakilala ang lahat. Ipinakilala ko rin naman ang sarili ko sa kanila.

Wala pa raw ang may-ari ng construction firm, na siya rin namang may ng firm na ito.

Nasa construction site pa raw.

Inorient nila ako rito sa firm. Matapos ay pinag-solve agad nila ako ng strength of materials problem. Mabuti na lang talaga hindi ako bokya sa mga ganitong computations. 

Inuutusan din nila akong tumawag sa mga suppliers through telephone to canvas materials. Pagkatapos pinag-organize nila ako ng mga technical documents.

Sumapit ang lunch pero hindi ko pa rin nakikita ang may-ari nitong firm.

Tinuloy ko lang lahat ng gawain ko nang matapos ang lunch hanggang sa dumating ang alas kwatro ng hapon.

Saktong tinatapos ko na lahat ng documents na kino-compile ko nang biglang binalot ang buong silid ng mga bulungan.

"Nand'yan na si Boss!" pagbubulungan nila.  Matapos ay narinig kong nagbukas ang pinto ng opisina pero hindi na ako nag-abala pang sumilip kung sino ang pumasok.

Nagsunod-sunod ang pagbati nila ng 'good afternoon, Sir.'

"Good afternoon," tugon noong binati nila. Natigilan ako sa lalim ng boses na iyon at hindi ako maaaring magkamali kung kanino iyon! 

Nahinto ako sa ginagawa at naramdaman ko ang biglaang pagbilis ng tibok sa dibdib ko. Nabitawan ko ang hawak na ballpen sa sahig na naglikha ng ingay at namawis ang noo ko.

Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. Narito lang naman ako para mag-OJT.

"New intern?" malalim ang boses nitong sabi.

Napigil ko ang aking hininga saka agad na napalunok ng sariling laway. Hindi agad ako nakaimik at nakalingon.

"Yes sir," sagot ng mga kasama ko.

"Hey!" agaw niya ng atensyon ko.

Nataranta 'kong pinulot ang ballpen bago 'ko marahan na nag-angat ng tingin sa gawi niya⁠—confirmed—si Sir A nga. 

Ngayon ko lang napansin na naka suot pala s'ya ng pansundalong uniform at may hawak pang baril. 

Paano niya nagagawang magtrabaho bilang sundalo at bilang engineer?

Sana lahat.

"G-Good afternoon po, sir," bati ko at pinilit na ngumiti.

Umasta siya na parang hindi niya ako kilala. Nakikipag-usap din siya sa akin na para bang ito ang una naming pagkikita.

Sa bagay hindi naman talaga kami magkakilala. 

"Dadalahin kita sa site bukas. You must be here before 7 a.m. I don't like late people," seryoso niyang ani.

"Noted sir," sagot ko agad.

UMUWI kaagad ako ng bahay noong matapos sa ginagawa sa firm. Nakaramdam ako ng pagod dahil sa dami rin ng kinompute ko kanina. 

Kissing Tutorial (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon