"I'm Em-Em Balitaan, A's wife. So, if you don't mind what are you doing in my husband's condo?"
NAPALUNOK ako sa narinig. "I-I'm F-Faith, kaibigan ni Sir A," halos mautal-utal na wika ko saka ko tinanggap ang kaniyang kamay.
Yeah, friends. P-Pero. . .magkaibigan nga ba talaga kami?
Namilog ang bibig niya na nagsasabing, 'Ohh,' kasabay ng pagtango niya kahit na walang lumalabas na salita mula sa kaniya.
"S-Sige-sige, alis na 'ko, n-napadaan lang talaga ako," pagsisinungaling ko at hindi na hinintay pa ang tugon niya dahil tinuluyan ko na siyang iwan.
Nang muling makapasok sa elevator ay napahawak ako sa dibdib ko, hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Wala naman akong karapatang masaktan, pagiging tutor lang naman ang papel ko sa buhay niya.
Bakit kasi ako nag-expect? Bakit naghintay ako sa kaniya na dumating kahit na alam kong may nililigawan siya. Nagpapaturo nga raw siya para ma-fulfill 'yong wish nang future wife niya. Pero putangina! Asawa na naman pala niya!
Baka sila ang may secret marriage at hindi kami!
"Otso! Akala ko may work ka?" salubong sa akin ni Hi nang pagbuksan niya ako ng pinto.
Namumungay ang aking mga mata nang tingnan ko siya. Mayamaya lang ay bigla kong nilawakan ang aking ngiti saka ko hinuli ang kaniyang braso at hinila palabas. "Tara mag-inom?!" nakangiting pag-aaya ko.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at hindi agad nagawang makapagsalita. "Tara bili!" Muli ko siyang hinila paalis. Narinig ko ang pagsarado ng pinto—nakahawak siya sa door knob hanggang sa bitawan niya ito at nagpadala na sa akin.
"I can't believe it!" nakangiting usal niya. "It looks like you're inviting me on a date or in a bed."
Bigla kong nabitawan ang braso niya, nagtaas ako ng tingin sa kaniya bago ko siya inirapan. "Bawas bawasan mo nga 'yang imagination mo!" angal ko. Ganito ba talaga 'to mag-isip?
Kagat-kagat niya ng mariin ang ibabang labi niya. "Masama bang kiligin?" tanong niya.
Napaawang ang bibig ko. "Kinikilig ka ba?" Mas lalo niyang nakagat ng mariin ang ibabang labi niya. Nagyayaya lang naman ako mag-inom ah.
"Hoy anong nangyayari sayo? Ba't 'di ka gumagalaw?" taka kong tanong nang mapansin kong nakatayo lang siya at hindi makatingin sa akin. Muli kong kinuha ang braso niya. "Tara na!" ani ko at muli siyang hinila. "Walang malisya 'tong pag-aaya ko, ha!" paglilinaw ko.
Tumikhim siya. "I just can't help it."
PUMASOK kami sa isang bar. Siya ang nag-suggest ng bar na 'to—kakilala niya raw kasi ang may-ari at masarap din daw ang mga inumin dito. Wala naman talaga akong alam sa mga alak. Gusto ko lang subukan.
"Anong gusto mo?" tanong ni Hi.
"Kahit ano," sagot ko para hindi niya mahalata na wala akong alam sa mga ganitong bagay.
Bahagya siyang natawa sa naging sagot ko. "Sigurado ka ba na gusto mong uminom?" naninigurong tanong niya. "Hindi halata sayo na nag-iinom ka."
Tumikhim ako. "Basta bigyan mo na lang ako ng kahit ano riyan."
Lalo siyang natawa sa inasta ko. "Akala ko ba nag-iipon ka? Bakit nagagawa mo pang maglaspag ng pera?"
Muli akong napatikhim nang ibalik niya sa akin ang mga salitang iyon.
'Tapos nagagawa mo pang maglaspag ng pera sa alak?' Naalala ko ang sinabi ko sa kaniya noong naglasing siya.
"Papainumin mo ba 'ko o hindi?!" napapahiya kong tanong kaya dinaan ko na lang sa tapang.
BINABASA MO ANG
Kissing Tutorial (COMPLETED)
عاطفيةFaith Cabutihan is a graduating student, but two years ago she was removed as a scholar because of her failing grades. So she needs to work hard and find a job to pay her tuition fee. But all of her income is not enough for her daily needs, and she...
