"To be my wife rather. . ."
BAHAGYA akong napatawa. "H-Hindi mo pa nga ako nililigawan, a-asawa agad?" halos mautal-utal kong sabi.
Wari ko ay sobrang pula na ng aking dalawang pisngi sa sobrang pag-iinit nito.
Hindi siya nagsalita. Nakatingin lamang siya sa akin at parang ako ang kinakain ng hiya.
Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung saan itutuon ang aking pauli-uling mga mata.
Halos makuryente ako nang hawakan niya ang aking kamay at isuot sa akin ang singsing.
Hindi man lamang niya talaga hinintay ang desisyon ko.
Rinig na rinig ko pa rin ang kabog sa aking dibdib. Nang maisuot niya ang singsing ay bahagya siyang ngumiti at tumayo. Hinawakan niya ang aking dalawang kamay habang 'di ko pa rin magawang itingin ng diretso ang aking mga mata sa kaniya.
Pakiramdam ko ay manunuyo ang aking lalamunan nang itaas niya ang aking mga kamay at pareho niyang halikan ito.
"I waited you for several years, and behind those years. . .alam kong siguradong sigurado na 'ko sa 'yo." Huminga siya ng malalim bago marahang ibinaba ang aking mga kamay. "I'm willing to wait until you've become ready, Otso. . ." bigla akong napalunok nang muli kong marinig sa kaniya ang nickname kong iyon.
Matapos ay marahan niyang hinaplos ang aking magkabilang pisngi. "I gave you that ring not to rush things but to keep my promise that I'll be waiting even if there's no assurance from you."
Bahagya siyang ngumiti at muli niyang inilapat ang kaniyang labi sa aking noo. "I'm always here, Eight," usal niya. "Don't pressure yourself," muli kong naramdaman ang mabigat niyang paghinga, "palagi kang may babalikan sa 'kin," halos ibulong niya.
"Focus on your dreams," dagdag niya bago inihiwalay ang labi sa aking noo.
Pakiramdam ko ay ibang Abakada ang kaharap ko ngayon. Sa kabila ng kaniyang kasungitan, kalamigan, sa kabila ng lahat ng kabaliktaran niyang pinapakita sa 'kin, maitago lang ang tunay niyang nararamdaman, sa kabila ng lahat ng kalituhan. . .binigyan niya 'ko ng kasiguraduhan.
Parang hinahaplos ang puso ko sa lahat ng binitawan niyang mga salita hanggang sa maalala ko ulit kung paano kami unang nagkita. Kung paano kami unang nagsimula.
Kung gaano siya kahigpit sa oras.
Kung paano nagsimula ang tutorial namin, kung paano bumara ang candy sa lalamunan ko, kung paano niya nakita 'yong calvin klein ng kapatid niya, kung paano niya 'ko sinundo sa bahay para lang makalipat sa condo niya, tapos magkapatid pala sila ni Hi.
Kung paano kami unang nagkita ni Em-Em, na akala ko'y asawa niya.
Ang mga away nila ng kapatid niya, kung paano ko napasok ang kwarto niya, kung paano ko nakita ang listahan ng mga hinahanap niya, 'yong litrato ko sa folder niya.
'Yong mga paintings na ipinakita ni Sir Kenshin. Kung paanong natanggap agad ako sa trabaho na siyang magbabago pala sa buhay ko.
Bahagya niya ulit akong nginitian bago talikuran para pumasok na sa loob ng kaniyang sasakyan ngunit agad kong nahagip ang kaniyang palapulsuhan kaya't mabilis siyang natigilan.
Hindi ko na siya hinintay pang makaharap. Niyakap ko agad siya mula sa likuran. Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito sa kaniya. Sa mundong nakakatakot, binigyan niya 'ko ng kasiguraduhan.
Sa musmos at walang kamuwang-muwang kong isipan, hindi ko akalain na may taong naghihintay at naghahanap sa 'kin. Na may taong sigurado sa 'kin. . . na may taong handang manatili kahit walang kasiguraduhan mula sa 'kin. Higit sa lahat. . . may taong handang magparaya para sa mga taong mahal niya.
BINABASA MO ANG
Kissing Tutorial (COMPLETED)
عاطفيةFaith Cabutihan is a graduating student, but two years ago she was removed as a scholar because of her failing grades. So she needs to work hard and find a job to pay her tuition fee. But all of her income is not enough for her daily needs, and she...
