"MA'AM Faith, ikaw pala!" bati ng mga nakilala kong construction worker. Puro sila nakangiti sa akin.
"Nasa taas pa po ang husband n'yo, may ikinakabit na kuryente," sabi ng isang worker.
Napaawang ang bibig ko. "Husband? " taka kong tanong.
"Opo ma'am, si Sir A, 'yong sundalo?" sagot niya na parang proud pa sa inaakala niyang relasyon namin.
Natawa ako ng bahagya. "Ah! Haha! Hindi ko po husband 'yon. Boss ko po 'yon," pagtatama ko.
Napakamot ang lalaki sa kaniyang ulo. "Ah gano'n po ba? Akala ko po asawa n'yo, palagi po kasi kayong magkasama rito sa site no'ng unang araw n'yo tapos palagi pa po kayong hatid ng sasakyan."
Palagi ba kaming magkasama? E palagi nga 'yong umaalis, at saka kaya lang naman ako nasakay sa sasakyan niya noon ay kapag ihahatid niya ako sa clinic.
Bihira lang naman kami magsama no'n!
"Ohh, Faith!" tawag ng kung sino.
Noong lingunin ko ang lalaki ay saka ko lang napagtanto na ang superintendent pala ang tumatawag sa akin. Nakasuot siya ng kulay yellow na helmet— 'yong pang-engineer na helmet. Papalapit siya sa gawi ko.
Ngumiti ako. "Good afternoon, sir!" bati ko.
"Good afternoon," balik niyang bati. "What brings you here?" nakangiti niyang tanong. "Dito ka na ba ulit i-a-assign?"
"H-Hindi po sir!" Umiling ako at nanatiling nakangiti. "Ibibigay ko lang po sana 'to kay Sir A. Pinabibigay po ni Engr. Agdan," turo ko sa hawak kong folder na may lamang mga plano.
Iniabot ko sa kaniya ang folder na agad niya namang tinanggap. Binuksan niya ang folder at pinasadahan ng tingin ang plano.
Nangunot ang noo niya. "Tapos na ang project na 'to ah?" taka niyang tanong. Hindi pa rin iniaalis ang tingin sa mga drawing. "No'ng isang taon pa 'to. Ito 'yong naging project namin sa Tagaytay noon."
Nangunot din ang noo ko. "Pinapakuha raw po kasi 'yan ni Sir A."
"Baka naman maling plano ang naibigay ni engineer sayo."
Nakagat ko ang aking ibabang labi. "T-Tawagan ko lang po si Engr. Agdan," usal ko saka mabilis na kinapa ang cellphone sa loob ng aking bag.
"No need." Nakaramdam na naman ako ng kabog sa aking dibdib nang muli kong marinig ang boses na iyon—boses ni Balitaan sa likuran ng superintendent. "Sinadya kong ipadala 'yan," walang ka-emo-emosyon niyang sabi.
Parang biglang tumigil ang mundo ko nang tingnan ko siya. Bakit bigla akong nakaramdam ng ganito? Ngayon ko lang yata na-appreciate ang kagwapuhan niya.
Naka-helmet din siyang dilaw, katulad no'ng sa superintendent. Matapos ay inayos niya ang kanyang nakatuping sleeve sa bandang siko.
"Follow me," walang emosyon niyang utos at agad kaming tinalikuran.
Bahagya akong tumango sa kaharap kong superintendent. "Mauna na po ako," ngumiti kong saad.
Nginitian niya 'ko saka iniabot ang kinuha niyang folder sa akin. "Go ahead."
Sumunod ako kay Balitaan papasok sa kanilang office o tinatawag na container van—'yong pwedeng dalahin sa ibang lugar pagkatapos ng mga project sa isang lugar.
"Ito na po 'yong pinapakuha ninyong mga plano," sambit ko sabay baba ng folder sa lamesang kaharap niya. Nakaupo na siya ngayon sa maliit na swivel chair—unlike sa swivel chair niya sa main office na talagang malaki at masarap upuan.
BINABASA MO ANG
Kissing Tutorial (COMPLETED)
RomanceFaith Cabutihan is a graduating student, but two years ago she was removed as a scholar because of her failing grades. So she needs to work hard and find a job to pay her tuition fee. But all of her income is not enough for her daily needs, and she...