Happy Birthday, Lowkey_rye !!!
"HEY!"
Napatingin ako ng diretso nang makita si Em-Em na tumatakbo papalapit sa akin—nasa corridor ako papunta sa aking room.
Anong ginagawa niya rito sa Engineering Department?
Nagpilit ako ng ngiti. "Em-Em," tawag ko sa kaniyang pangalan.
Nakamaiksing denim jumper skirt siya na mayroong puting damit sa loob. Puti ang kulay ng kaniyang medyas at sapatos. Kahit na medyo maarte ang batang 'to, natutuwa ako sa pananamit niya na bumabagay sa pagiging cute niya.
"Kanina pa kitang hinihintay!" aniya sa maarteng tono.
Nangunot ang noo ko. Ako? Hinihintay niya? "B-Bakit? May kailangan ka?"
Nakangiti niyang itinaas sa tapat ng aking mukha ang maliit na paper bag na kaniyang bitbit. Napangiti na lang din ako dahil mukha namang masaya siya kahit na 'di kami close. "I have something for you," nanggigigil sa tuwa niyang sabi.
Hinawakan niya ang aking kamay at hinila ako papunta sa sulok saka ipinakita sa akin ang laman ng paper bag niyang hawak.
Puro keychain iyon na may iba't ibang picture ni Abakada. "I did this all for you," natutuwa niyang sabi.
Muling nagsalubong ang kilay ko. "H-Ha? B-Bakit mo naman ako ginawan niyan?" taka kong tanong.
Nawala ang ngiti niya sa labi at narinig ko ang paghinga niya nang malalim na para bang na-disappoint s'ya sa naging tanong ko.
"Are you not happy?" medyo may bahid na ng inis niyang sabi.
Ano bang meron d'yan? Ba't naman ako matutuwa?
"I know that you have a crush on my husband, okay? So I made these for you. It's only five hundred pesos. Discounted na with free autographs pa."
H-HA?!
Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi naman ako umoorder, ah? At saka wala akong pambayad. Ano bang tingin niya sa 'kin? Mayaman? At bakit ang mahal ng mga litratong 'yan! Ipinrint ba 'yan sa silver and gold?
Wala akong masabi kahit anong buka ng bibig ko. "You should be thankful to me, duhh," napapairap niyang sabi. "Ano? Bibilihin mo ba?"
"A-A e w-wala naman akong ibabayad d'yan."
Muli siyang huminga nang malalim at kinuha ang kamay ko saka inilagay sa aking kamay ang paper bag. "Okay lang naman sa 'kin ang utang, but make sure to pay me until Friday!" aniya at tumakbo na palayo sa akin.
Napaawang ang bibig ko habang habol ang tingin ko sa kaniya. "E-Em-Em, sandali!" Wala talaga 'kong ibabayad dito!
"I need money, duh! So I will see you on Friday! Bye!" pahabol niyang sigaw mula sa malayo at tinuluyan niya na 'kong iwan.
What the—binigyan niya pa 'ko ng panibagong obligasyon!
Parang ibinebenta niya na rin sa 'kin ang asawa niya.
NANG makapasok sa room ay sinalubong agad ako ng napakaraming gawain para sa thesis namin. Ako ang pinag-che-check nila ng kabuuang papel at pinaggagawa ng powerpoint para sa darating naming defense.
Ako kasi ang pinakanahuhuling nag-OJT kaya naman ito ang ibinigay nilang gawain sa 'kin. Mabuti na lamang, bago nag-OJT ay may naiambag din ako kahit papaano sa aming thesis katulad ng background and introduction.
BINABASA MO ANG
Kissing Tutorial (COMPLETED)
RomanceFaith Cabutihan is a graduating student, but two years ago she was removed as a scholar because of her failing grades. So she needs to work hard and find a job to pay her tuition fee. But all of her income is not enough for her daily needs, and she...