Chapter 26

13.3K 372 148
                                    

PASENSYA NA PO HUHU BUSY LANG PO SA F2F Classes, BABAWI PO AKO SA BAKASYONNNN <3

WARNING! R18

If you are 17 and below wait niyo na lamang ang panibago kong update bukas.

ALAM KO PO NA MARAMI PA RIN ANG MATITIGAS ANG ULO. KAHIT MAY WARNING NA BABASAHIN PA RIN TAPOS AT THE END BIGLANG MABIBIGLA NA, "BAKIT MAY SPG?"

ANG ISTORYA PO NA ITO AY HINDI PAMBATA. This story is rated as mature. From the title itself, R18 IS EXPECTED.


"I like you, Otso. You don't need to answer me yet, but I will do everything for you. No pressure, paghihirapan kong makuha ka."


AYOKONG paasahin si Hi at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang isasagot sa kaniya. 

Hindi ko na nagawang umimik pa simula nang umamin siya kaya naghiwalay kami kanina na medyo naiilang sa isa't isa.

Medyo tulala tuloy ako habang naghuhugas ng mga plato rito sa restaurant ngunit agad din akong natigilan nang maalala kong hindi ko pa pala na-te-text si Abakada—baka hanapin niya 'ko!

Mabilis kong kinapa ang aking cellphone sa suot na pantalon saka nagtipa para i-text si Abakada.

'Sir, pinagluto ko na po kayo ng hapunan. Maaga po kasi akong matutulog ngayon, e baka hanapin niyo po ako,' pagsisinungaling ko sa text.

Matapos ay ibinalik kong muli ang cellphone sa bulsa ng pantalon at pinagpatuloy ang paghuhugas ng mga plato at kaldero.

"Faith, kulang ng sampung pinggan! Tapos ka na ba riyan?" sigaw ng manager mula sa kitchen.

"Opo ma'am! Tinutuyo ko lang po!" malakas kong sabi para marinig niya.

Masiyadong maraming customer ngayong gabi kaya naman nagkakaubusan ng mga kakainan at hindi ako pwedeng tumigil kahit babad na babad na sa tubig ang aking mga kamay.

Tumutulo na rin ang aking mga pawis sa noo nang dahil sa pagod—ang bibigat kasi ng mga babasaging pinggan na hinuhugasan ko.

"Faith, lumabas ka muna riyan! May naghahanap sayo. May bago na muna 'kong ipapalit sayo!" malakas na sabi ng manager—sapat para marinig ko rito sa dishwashing area.

Nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig iyon at muling kinuha ang cellphone para tingnan ang oras. Alas-diyes na ng gabi pero mamaya pang alas-kwatro ng madaling araw ang tapos ng trabaho ko.

Sino naman kaya ang naghahanap sa akin?

Sandali kong pinunasan ang aking mga kamay at pumunta sa kitchen. Nilapitan ko ang aming manager. "Sino pong naghahanap sa 'kin?" pagtataka ko.

"May naghahanap sayong lalaki sa labas nitong restaurant. 'Wag kang mag-alala nagkausap na kami," nakangiti niyang sabi habang nag-di-disenyo ng mga pagkain.

Napatango na lamang ako saka lumabas ng restaurant—sa kusina na ako dumaan para hindi nakakahiya sa mga customer. Ang haggard ko pa naman.

Hinanap ko sa labas kung sino ang naghahanap sa akin hanggang sa may nakita akong pamilyar na sasakyan ang nakaparada sa tapat ng restaurant.

Napalunok ako nang mapansin ko rin ang pamilyar na imahe ng lalaki—nakasandal ito sa kaniyang sasakyan at magka-krus ang mga braso. 

Naka-long sleeve na siyang puti at bastang nakatupi ang sleeves hanggang sa siko. Bahagyang bukas din ang ilang butones sa parteng itaas ng kaniyang suot. 

Kissing Tutorial (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon