SABAY kaming nag-dinner ni Hi subalit sa bahay lamang. Gusto niya kasi ay sa restaurant tapos maglakad-lakad daw kami at sumakay ng ferris wheel. Kaso nga lang ay lilipat na ako sa condo ni Abakada kaya next time na lang siguro. Panigurado ring hinihintay na ako ng alphabet na 'yon!
Mabuti na lamang ay wala kaming tutorial ngayon dahil M W F naman ang usapan sa kontrata—kaya bukas pa.
Kasalukuyan akong nag-aayos ng aking mga gamit—paalis na ng bahay. Tinitingnan ko lang kung kumpleto na ba lahat ng aking mga dadalahin nang bigla kaming may narinig na busina ng sasakyan sa harap ng bahay. Hindi namin iyon pinansin no'ng una ngunit nagsunod-sunod ang pagbusina nito.
Napatingin ako kay Hi na naka-upo sa aking kama at nanonood sa aking ginagawa. "May bisita ka ba?" takang tanong ko. Kanina pa kasing may bumubusina sa tapat ng bahay.
Umiling siya. Tumayo naman ako at akmang lalabas na ng kwarto upang tingnan kung sino ang nasa labas ngunit bigla niyang napigilan ang aking braso.
Taka ko siyang tiningnan. "Ako na ang titingin," sambit niya saka tumayo. "Baka may nakalimutan ka pa sa mga gamit mo, i-check mo ng maayos," paalala niya. "Pagkatapos ay ihahatid na kita sa pupuntahan mo," dagdag niya bago 'ko tuluyang iwan.
Napatango na lamang ako kahit nakalabas na siya ng kwarto saka 'ko muling naupo sa sahig.
Lumipas ang limang minuto ngunit hindi pa rin bumabalik si Hi. Nagsalubong na ang aking mga kilay sa pagtataka kung sino ang dumating o ang kausap niya. May bahagya akong naririnig na maririing bulungan subalit medyo malabo ang dating noon sa aking pandinig.
Bisita niya kaya iyon?
Napahinga ako ng malalim at binalewala na lamang ang mga naririnig, matapos ay isinara ko na ang maleta saka tumayo at sandaling nag-inat ng katawan.
"Ano!" malakas kong tawag kay Hi nang makalabas ng kwarto. Nakabukas ang pintuan sa sala ngunit wala sila rito.
Lalabas na sana ako nitong bahay nang bigla namang sumulpot si Hi sa pinto. Napatitig ako sa kaniya noong mapansin kong namumutla siya. "Anong nangyari sa 'yo?" nagtaka kong tanong. "At saka. . .sino ba 'yong kausap mo?
Nakaharang siya sa akin kaya hindi ko tuloy nakita kung sino ang tao sa labas.
Napansin ko agad ang pagbaba't taas ng kaniyang lalagukan—mukhang kinakabahan siya ngunit hindi ko rin sigurado kung tama ba ang aking hinala. "S-Sigurado ka bang. . .g-gusto mong tumuloy sa trabaho?" mautal-utal niyang tanong.
Lalong nangunot ang noo ko. Napag-usapan na namin 'to pero parang ayaw niya na naman akong paalisin ng bahay.
Bahagya akong napaatras noong hawakan niya ang dalawang itaas ng aking braso. "L-Look," desperado niyang sabi. "I can provide for all your needs. I will work hard for us. Just stay here. Ako na lang ang magtatrabaho sa 'ting dalawa. H-Hindi ka na mahihirapan, d-dito ka lang sa loob, handa kong saluhin lahat ng gastusin mo sa graduation, just stay."
Peke akong natawa sa inaasta niya. "Ano bang nangyayari sa 'yo? Hindi naman kita asawa o boyfriend. At saka gustong kong magtrabaho, ayokong umasa sa iba."
Nabalot ng pag-aalala ang kaniyang buong mukha. "W-What if. . . we work together in a restaurant?Otso? " umaasa niyang tanong. "Mataas ang rate ng sahod do'n sa na-applyan ko. Magkano ba ang sasahurin mo sa bago mong trabah—"
"Get your hands off," biglang mariing putol ng kararating na tao sa likuran ni Hi.
Bigla akong natigilan sa boses na iyon at agad na kumalabog sa bilis ang dibdib ko. Napalunok ako nang makita ang matikas na lalaki sa bandang likod ni Hi—si Abakada.
BINABASA MO ANG
Kissing Tutorial (COMPLETED)
RomansaFaith Cabutihan is a graduating student, but two years ago she was removed as a scholar because of her failing grades. So she needs to work hard and find a job to pay her tuition fee. But all of her income is not enough for her daily needs, and she...
