Try niyo lang basahin ng may background music para feel. <3
Cabutihan, Faith C.
HINDI ko maiwasang hindi mapaluha sa tuwa nang marinig ko ang aking pangalan kasabay ng tugtuging sa wakas ay napapakinggan ko ng muli.
Ito ang pinakahihintay kong araw. Ang pinakahihintay na araw ng pamilya ko. Ang aking graduation sa kolehiyo.
Suot ang itim na toga sa pagmamartsa hindi ko maiwasang hindi mapaluha sa tuwa dahil sa wakas ay graduate na 'ko.
Sa kabila ng lahat ng pinaghirapan ko. Sa kabila ng lahat ng pinaghirapan ng magulang ko, ng pamilya ko. . .narito ako at kukuhanin na ang sertipiko na matagal ko ng pinapangarap.
Alam kong mahirap ang susunod na yugto ng aking buhay pero ang tagal ko ring inasam na makatapos sa kursong pinaghirapan ko.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, gusto kong umiyak sa tuwa. Hindi na 'ko makapaghintay na matulungan ang pamilya ko at balikan ang mga taong nasa likod ng pagkamit ng mga pangarap ko.
Sa wakas ay may anak na ang nanay at tatay na napagtapos nila ng kolehiyo.
Wala mang naniwala sa amin noon na may makakatapos sa pamilya namin. Wala mang naniniwala sa amin noon na makakaahon din kami. Wala mang naniniwala sa amin noon. . . napatunayan ko na sa kanila na kaya kong makapagtapos sa kabila ng hirap ng buhay. Sa kabila ng pangiinsulto nila.
. . .at hindi lang sa kahirapan nagtatapos ang aming buhay. Alam kong ito na ang simula para suklian lahat ng paghihirap ng magulang at mga kapatid ko.
Nang tanggapin ko ang aking certificate ay agad na pinunasan ng aking kamay ang mga luhang pumatak sa aking pisngi saka nakangiting humarap sa camera.
Hinanap ng aking mga mata ang aking nanay at agad na nagtagpo ang aming mga mata. Naalala ko tuloy ang kaniyang mga luha nang humingi siya ng tulong sa kaniyang magulang at mga kapatid pero iba't ibang mga sermon, pangungutya lamang ang kaniyang natanggap.
Dumating pa sa punto na gusto niya ng mamatay at mawala sa mundo, pero proud ako sa kaniya kasi sa kabila ng sakit, nanatili siya sa aming tabi. Lumaban siya kahit gusto niya ng kitilin ang sarili niyang buhay.
Nalubog kami sa utang para lang makapag-aral kaming magkakapatid. Para lang mapabuti kaming magkakapatid.
May maipambayad lang sa ilaw, tubig, bahay at kung ano-ano pang gastusin sa bahay.
Hindi namin sariling bahay ang tinitirhan namin sa Batangas.
Ito ay pagmamay-ari ng tito ko na wala ng ibang gawin kundi ang gipitin kami makapagbayad lang ng bahay sa kanila buwan-buwan.
Wala silang pakialam kahit wala kaming makain o magastos sa araw-araw.
Saksi ako sa bawat luha ng aking magulang gabi-gabi. Sa mga panalanging iniluluhod nila sa Diyos makaahon lang kami.
'Yong tipong taon-taon na lang. Kada sasapit ang bagong taon, palagi kaming umiiyak sa problema. Kaya minsan natatakot na 'kong magbagong taon kasi alam ko na iiyak na naman kami.
Hindi ko alam kung bakit taon-taon gano'n, walang nangyayari. . .pero sa paglipas ng panahon, nang makita kong nakaluhod ang aking tatay sa napakadilim na silid ng aming bahay habang puno ng putukan ang paligid, nasilayan ko siyang umiiyak sa panalangin.
Hindi ko na siya tinapos panoorin bagkus pumasok ako sa aking napakadilim na kwarto at lumapit sa bintana. Tumingin ako sa taas at pinapanood ang mga fireworks, paunti-unti kong napagtanto na alam kong may panibagong taon ang dadating at muling magliliwanag ang aming tahanan.
BINABASA MO ANG
Kissing Tutorial (COMPLETED)
Любовные романыFaith Cabutihan is a graduating student, but two years ago she was removed as a scholar because of her failing grades. So she needs to work hard and find a job to pay her tuition fee. But all of her income is not enough for her daily needs, and she...
