NAGISING ako nang marinig ang tunog ng piano mula sa kabilang kwarto. Kinapa ko ang aking cellphone sa tabi para tingnan ang oras.
Ala sais pa lamang ng umaga at mamayang hapon pa ang aking klase. Ang aga naman no'ng tumutugtog. May balak yatang manggising ng tao! Ang sakit sa tenga no'ng paulit-ulit niyang nota.
Ang pagtunog ng piano ay parang mabilis na, 'ting ting ting ting ting' tapos walang hinto. Ganyan ba ang alarm niya sa umaga? Ang sakit sa tenga. Halatang walang talent.
Hindi pala sound proof 'tong kwarto ko.
Wala na akong nagawa kundi ang bumangon, saka ko itinali ng paikot ang aking buhok bago naghilamos at sipilyo. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto.
Napansin ko agad ang kabilang kwarto ni Abakada—bahagyang nakaawang ang pinto at wari ko ay doon nanggagaling ang tunog ng piano.
Bahagya kong sinilip ang kwarto, hindi gaanong malawak ngunit sapat ang laki. Mayroong lamesang pang-opisina at may mga nakasalansan ding mga libro sa lagayan.
Medyo nangunot ang noo ko. Bukod sa study room niya mayroon pa pala siyang ganitong opisina sa condo—akala ko 'yong study room niya na ang kaniyang opisina.
Hindi niya ako dinala rito kagabi, nilampasan namin ang kwartong 'to—hindi ko rin alam kung bakit.
Basta ang sabi niya lang ay ito ang kaniyang kwarto, pero wala akong nakikitang higaan. Akala ko rin no'ng una ay napasok ko na ang kaniyang kwarto ngunit 'yong mga napasok ko pala ay hindi niya kwarto. Minsan daw kasi ay dito tumutuloy ang mga magulang o kaya mga kapatid niya.
Medyo binalot tuloy ako ng kaba na baka makita ako ng mga magulang niya rito.
Wala akong napansin na tao rito pero panay ang tunog ng pianong paulit-ulit ang nota.
Inilibot ko pa ang aking tingin sa buong kwarto hanggang sa mapansin ko ang dalawang pintuan rito.
Ang isa ay nakasarado at ang isa naman ay bahagyang nakaawang—siguro naroroon ang music room ni Abakada na siyang tinutukoy ni Em-Em.
Tuluyan na akong pumasok sa loob para silipin ang kwartong bahagyang nakabukas ang pinto—natitiyak 'kong doon nanggagaling ang tunog.
Marahan akong lumapit doon at sinilip kung sino ang tao. Hindi nga ako nagkamali nang mapagtanto kong dito nanggagaling ang tunog ng piano at nakita ko ang nakatalikod na lalaki. Naka t-shirt lamang ito ng maroon at nakapantalong itim habang nakaharap sa piano.
Lalong nangunot ang noo ko nang matiyak ko kung sino ang naglalaro ng piano.
Anong ginagawa ni Def rito? Nandito ba siya para mambulabog ng tulog?
Napahinga ako nang malalim at hindi na lamang umimik hanggang sa malipat ang tingin ko sa nakasaradong pinto. Nakakaramdam ako ng kaba sa dibdib subalit gusto ko talagang masilip ang loob ng kwartong 'yon kaya lumapit na ako roon at akmang hahawakan na ang door knob.
"Hinahanap mo ba si Sir A?" boses ng matandang babae.
Bigla kong naibaba ang aking kamay at kagat labing napalingon sa matanda. Medyo kulubot na ang kaniyang morenang balat at kulot ang maiksing buhok.
Nagpilit ako ng ngiti para hindi niya mahalata ang aking kaba. "A-Ah o-opo, n-nandito po ba siya?" pagsisinungaling ko.
"Nako hija kanina pa siyang umalis. Hindi na siya nakapagpaalam sa 'yo kasi mukhang mahimbing pa ang tulog mo kanina," sagot ng matanda.
Napaawang ang bibig ko. Ang aga naman niyang umalis!
"Ahh gano'n po ba?"
Malawak siyang ngumiti. "Nagising ka ba ni Sir Def?" pag-iiba niya.
BINABASA MO ANG
Kissing Tutorial (COMPLETED)
Любовные романыFaith Cabutihan is a graduating student, but two years ago she was removed as a scholar because of her failing grades. So she needs to work hard and find a job to pay her tuition fee. But all of her income is not enough for her daily needs, and she...
