April 24
ISANG napakagandang tunog ng piano ang sumalubong sa amin nang makarating kami sa tapat ng inuupahan kong bahay.
Mabilis na napatigil si Hi sa tapat ng nakasaradong bintana habang pinapakiramdamang pakinggan ang tumutugtog ng happy birthday sa piano.
Mukhang alam niya na agad kung sino iyon. Samantalang ako ay nakatitig lamang sa kaniya at pinapanood ang bawat magiging reaksyon niya.
"S-Si k-kuya ba 'yon?" napalunok niyang sabi. Tila manginginig pa ang kaniyang boses nang marahan siyang nagbaba ng tingin sa akin. "N-Nandyan ba si k-kuya?"
Nahihirapan siyang banggitin ang salitang 'kuya.'
Marahan akong tumango sa harap niya. Pinaghandaan talaga namin ang surpresahin siya kahit na alam naman naming hindi niya 'to magugustuhan. He doesn't celebrate birthdays.
Mamaya ko pa sana siya balak tawagan pero hindi na natuloy nang makita ko siya sa tindahan ng mga cake, hindi na rin ako nakabili pa ng cake.
Kahit na malabong magustuhan niya, sinubukan pa rin namin.
Ako ang nagtulak kay Abakada na surpresahin ang kapatid niya kahit na ayaw niya. Baka lalo lamang daw itong magalit sa kaniya, pero wala naman sigurong masama kung susubukan niya 'di ba?
Ang pananaw at nararamdaman ng tao ay pwedeng magbago, malay natin. . . ito na ang maging way para magkaayos sila.
Siya ang naghanda ng lahat ng ito—si Abakada. Nagdala pa siya ng piano sa inuupahan ko para lang matugtugan ang kapatid niya.
Madilim pa sa loob, tanging liwanag lamang ng bilog na bilog na buwan ang siyang nagbibigay ilaw sa amin dito sa labas ng bahay.
Mabuti nga't nakakatipa pa siya sa piano.
"I-I have to go," nanlamig na sabi ni Hi at akmang tatalikuran na 'ko kaya agad kong hinagip ang kaniyang braso.
"H-Hi," halos makiusap ang aking tono. "K-Kahit ngayong gabi lang. . ." bahagya akong napalunok. "P-Pagbigyan mo sana ang kuya mo, may mga hinanda siya para sa 'yo. . ." parang gusto ko na ring maiyak nang maramdaman kong naluluha na siya.
Kahit nakatalikod siya sa akin—naririnig ko pa rin ang kaniyang bahagyang pagsinghot.
"H-Hi," muli ko siyang nakikiusap na tinawag.
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Marami pa 'kong gagawin," pagmamatigas niya at agad na kinalas ang mga kamay kong nakahawak sa kaniyang braso.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib nang tuluyan niya na 'kong talikuran.
Gusto kong maiyak habang pinapanood siyang lumayo.
Mukhang hindi ko na nga talaga siya makukumbinsi pa.
Subalit agad din akong mabilis na natigilan nang bigla akong may narinig na mga putukan mula sa itaas.
Kusang nagliwanag ang aking mga mata sa sobrang ganda ng langit. Binabalot ito ng iba't ibang kulay ng fireworks.
Sobrang ganda noon. . .
Mayamaya lang ay agad ko ding nailipat ang aking tingin kay Hi na ngayon ay nakatulala na sa langit. Sana pagbigyan niya na ang kuya niya. Sana magkaayos na sila.
Maya't maya niyang pinipisil ang kaniyang ilong. Wari ko rin ay nangingilid na ang kanina niya pang pinipigilang mga luha.
Nang tingnan ko ang aking suot na relo ay saktong alas dose na ng gabi. Tapos na ang kaniyang birthday.
BINABASA MO ANG
Kissing Tutorial (COMPLETED)
RomanceFaith Cabutihan is a graduating student, but two years ago she was removed as a scholar because of her failing grades. So she needs to work hard and find a job to pay her tuition fee. But all of her income is not enough for her daily needs, and she...