Chapter 31

13.4K 353 25
                                        

TULAYAN ng bumuhos ang mga luha ko nang iwan kami ni Abakada hanggang sa mawala na sa paningin ko ang umaandar niyang sasakyan.

Nakakapanghina ng tuhod. Para kong paulit-ulit na sinasaksak. Hindi ko na siya maintindihan. Bakit ka ba gan'yan? Bakit ba lagi mo na lang akong sinasaktan? Ano ba talaga ko sayo, A? Ang gulo-gulo mo na.

Kaya pala hindi ako pinapansin ni Abakada noon sa condo niya at parang iniiwasan ay dahil may kasunduan sila ng kapatid niya. Buong akala ko'y nakita niya na ang Faith na hinahanap niya.

Ngunit bakit kahit nalaman ko ng ako 'yong Faith na 'yon. . .hindi pa rin nabawasan 'yong bigat sa dibdib ko?

Why do I feel betrayed by these two brothers?

"F-Faith," pumiyok na tawag ni Hi.

Napalunok ako saka ko siya muling tinapunan ng tingin. "Matagal mo na ba 'kong kilala?" nanghihina kong hamon sa kaniya. 

Hindi agad siya umimik pagkatapos ay sandali siyang tumungo saka bahagyang tumango. 

Marahas kong nahugot ang aking hininga. "Kailan pa?" nasasaktan kong tanong. "Kaplastikan lang ba lahat ng pinapakita mo sa 'kin?"

Umiling siya. "I'm sorry," nahikbi niya ng sabi. Nasisilayan ko na rin ang pagtulo ng mga luha niya. "But I can assure you one thing. . .my feelings are real, Faith," nabasag na ang kaniyang boses. "Gusto kita."

"Kailan mo pa 'ko kilala?" pag-uulit ko sa tanong kanina.

Marahas siyang huminga nang malalim. "A-Alam kong may hinahanap si kuya A na batang babae," napapalunok niyang sabi. "Mahilig siyang gumuhit at puminta pero ang nakakapagtaka noon ay palaging pare-parehas na batang babae 'yong iginuguhit niya. Then I got curious," saad niya at sandaling suminghot dahil sa kaniyang pagka-sipon.

Nanatili naman akong tutok at nakikinig sa kaniya.

"H-Hanggang sa nalaman kong may hinahanap nga siyang batang babae na ganoon ang hitsura pero hindi niya na alam kung ano ng hitsura nito ngayon,"pagpapatuloy niya. "Napasok ko isang beses ang kwarto ng condo niya no'ng may hinahanap ako at napakaraming painting ang nakita ko roon sa painting room niya."

Painting room? May painting room sa condo niya?

"Puro mukha ng batang babae na halos nasa iisang lugar lang 'yong background na napansin ko. Kung hindi ako nagkakamali ay dati 'yong school ni kuya sa Batangas no'ng elementary siya."

Napalunok ako at mabilis na binalot ng kaba sa dibdib.

"S-Saan siya nag-elementary?" nautal kong tanong. Ito ang hindi ko naitanong kay Sir Kenshin no'ng nakaraang Linggo.

"Sa Pasia Elementary School," sagot niya at diretso na ang tingin sa akin.

Mariin kong nakagat ang aking ibabang labi. Sa iisang school nga lang kami nag-elementary.

"P-Pwede ko bang malaman kung ano-anong mga painting 'yong nakita mo?" nangangapa kong tanong.

Bahagya siyang tumango saka nag-iwas ng tingin. "Ang una kong nakita noon ay isang portrait lang ng batang babae. Ang sumunod ay isang batang mukhang nadulas at tumama ang ulo sa sill ng bintana."

Nagsunod-sunod ang aking naging paglunok at lalong kumabog sa bilis ang aking dibdib. Pakiramdam ko ay mamumutla ako sa narinig.

"Tapos isang lalaki na buhat-buhat ang batang babae habang tumatakbo. Ang ilang painting kong nakita ay nasa clinic sila nang batang babae, naka-upo at magkaharap ang mga upuan. Tumatawa ang lalaki habang nakanguso naman ang batang babae na seryoso at nakatingin lamang sa lalaki. May nakita rin akong painting na nag-pi-pinky promise sila no'ng batang babae. Sa baba ng painting may nakasulat na—" pinutol niya ang sasabihin saka muling umiwas ng tingin. "Otso. . ."

Kissing Tutorial (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon