Chapter 10

15.8K 432 84
                                    

MAAGA akong pumasok ng firm at agad na nag dako ang tingin ko sa table ni Sir A. Blanko ito at malinis ang table niya. Ang tagal ko na siyang hindi nakikita—pero 'di ba dapat ay masaya ako? Hindi lang siguro ako sanay na hindi ko siya nakikita rito.

Madalas siya noon sa military office pero palagi siyang maagang dumadaan dito sa firm bago pumupunta roon sa military office—kaya nasanay na rin ako. . . na siya ang madalas kong mabungadan sa umaga.

Sa loob ng isang araw na nakakasama ko siya, sa maiksing oras ng aming tutorial—pakiramdam ko lagi ay sobrang daming ganap. 'Yong tipong . . . parang isang Linggo na ang nagdaan kahit isang araw pa lang naman.

Nasanay lang siguro ako na madalas ko siyang nakikita ng sobrang aga rito sa firm.

Apat na Linggo na lang ako rito dahil . . . malapit na ring matapos ang OJT ko. Kailan kaya siya babali—

"Good morning!" 

Naputol ang pag-iisip ko nang may malakas na bumati kaya nalipat doon ang tingin ko. Nangunot ang noo ko nang makita ang hindi pamilyar na mukha ng lalaki — mukhang nasa dalampu't labing anim na taong gulang na ito.

Binati rin siya ng mga kasamahan ko. Matapos ay dire-diretso siyang naupo saka sumandal sa pwesto ni Balitaan.

Pinaikot-ikot niya ang inuupuan na parang batang nag-e-enjoy. "Whoahh" tuwang tuwa na hiyaw nito—para bang wala siya sa opisina. 

"Kumusta ang mga naging projects n'yo, Sir Def?" nakangiting tanong ni Engr. Agdan.

"Ayon, mapera na naman ako at hindi ko na alam kung anong gagawin sa pera ko," pagbibiro nito. Ang hangin!

Malakas na nagtawanan ang mga engineer na kasama ko maliban sa akin. Mayamaya lang ay biglang nalipat ang tingin niya sa akin.

Kanina pa akong nakatingin sa kaniya at hindi ko inaalis ang mga tingin ko kahit na nakatingin siya sa akin ngayon. Halatang natigilan siya nang makita niya ako—bigla kasing nawala ang ngiti niya sa labi.

Napaawang ang bibig niya na parang nagugulat sa presensya ko—para siyang nakakita ng multo.

Mabilis siyang tumayo saka lumapit sa akin. Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ko. Medyo nailang tuloy ako kaya sinadya kong tumikhim.

"P-Parang kilala kita!" turo niya sa akin kaya mabilis na napunta ang tingin ng lahat sa akin.

Nangunot ang noo ko. Paanong kilala niya ako? E hindi ko nga siya kilala. Ngayon ko pa lang siya nakita sa tanang buhay ko.

Napansin ko na mabilis niyang kinapa ang cellphone sa bulsa at nagmamadaling nagpipindot doon—para siyang may hinahanap na files sa cellphone niya.

"I knew you!" pagpipilit niya habang nakatingin sa phone.

"M-Magkakilala kayo?" tanong ni Engr. Cuevas. 

Umiling ako. "Ngayon ko lang po siya nakita."

"Nakikilala talaga kita!" pamimilit pa rin no'ng tinatawag nila na Sir Def. "Yeah, I know you!" aniya saka iniharap ang phone sa akin. "Ikaw 'to 'di ba?" tanong niya. "Mabuti na lang, hindi ko pa nadi-delete!"

Sabay sabay naming tiningnan nina Engr. Cuevas ang screen ng cellphone ni Sir Def. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha ko sa painting—I mean, medyo hawig ko lang kasi mukha 'yon ng bata.

Pero hawig na hawig ito ng mukha ko noong bata pa ako.

"K-Kamukha mo," usal ni Engr. Cuevas saka nagpalipat-lipat ang tingin sa 'kin at sa screen ng cellphone.

Kissing Tutorial (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon