Chapter 9

14.7K 404 52
                                    

"S-Sir A?" agaw ko sa kaniyang attensyon. 

Napakaganda ng hugis ng kaniyang hubad na katawan. Kitang kita ko ang napaka-sexy na pagkakahulma ng mga bisig nito. Maging ang napakalapad at matigas niyang dibdib. 

Nang tingnan niya 'ko ay agad na nanlaki ang kaniyang mga mata kasabay ng sunod-sunod niyang pag-ubo—mukhang biglang nasamid. 

Mabilis ko siyang nilapitan. "S-Sir A!" natataranta kong usal. 

Para 'kong biglang na-mental block at hindi alam ang gagawin dahil sa kaniyang ka-u-ubo— kaya mabilis akong lumabas ng kaniyang study room at nagtatatakbong kumuha ng tubig para ipainom sa kaniya.

"Don't you know how to knock?" reklamo sa akin ni Balitaan noong mahimasmasan na siya. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa magandang view ng kaniyang katawan— I mean no'ng kwarto.

Nakamot ko ang aking batok. "K-Kanina pa po kasi akong tawag ng tawag sa inyo rito pero walang sumasagot. Tinext ko rin po kayo pero hindi po kayo nag-rereply."

"Did you enjoy?" bigla niyang tanong. Natigilan ako at agad na nagtama ang mga mata naming dalawa nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. May halo ng panunukso ang kaniyang hitsura. "Staring at my sexy body," nanunukso niyang usal. 

Bigla tuloy akong napalunok at agad na nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko ay nag-iinit na ang aking pisngi. "I have a doorbell camera right there," pag-iiba niya rin agad at itinuturo ang part kung saan nakalagay iyon.

Tiningnan ko ang itinuro niya. Sa kaliwang gilid ng pinto—roon sa labas. Napaawang pa ang bibig ko—dala-dalawa pala ang doorbell dito! Hindi ko iyon napansin kanina. Siya lang yata ang nakita kong tao na may doorbell bago pumasok ng kwarto.

Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto, napansin ko ang isang screen malapit sa pinto na agad ding makikita ni Balitaan kung sino ang tao—sakaling may mag-doorbell dito.

"It's a soundproof room, so I can't hear you outside," paliwanag niya ng hindi nakatingin sa akin. Nakaupo pa rin siya sa kaniyang swivel chair. 

Tumango na lamang ako habang nililibot pa rin ng tingin ang buong kwarto. Napakalaki nito.

Puno rin ng mga libro ang matataas na shelves at napakaayos ng pagkakasalansan ng mga iyon. Kalahati lamang ng kwarto ang ding ding dahil ang kalahati ay glass wall na. Kitang kita ko ang ilang nagtataasang mga gusali na puro ilaw—dito pala magandang tumambay 'pag gabi kasi kitang kita mo ang napakagandang view ng mga ilaw sa cities.

Natulala ako sa ganda ng view saka ko iyon nilapitan. Maganda nga ritong mag-aral— refreshing, nakakawala rin ng stress.

"Kayo lang mag-isa rito, sir?" tanong ko habang pinagmamasdan ang nakakamanghang ganda ng view.

"May nakita ka bang ibang tao?" balik niyang tanong. 

Napairap ako—alam ko namang 'di niya kita ang hitsura ko dahil nakatalikod ako sa kaniya. Bakit ba ang sungit sungit nito! Nagtatanong lang e.

"Hindi ba kayo natatakot mag-isa rito, sir?" tanong ko ulit. Malay mo may sikretong manghimasok nitong condo niya.

"Gusto mo, samahan mo 'ko? Para dalawa na tayo." Agad 'kong nalunok ang sariling laway sa naging sagot niya. Ano na naman ba 'tong iniisip ko!

Napatikhim ako—hindi pa rin humaharap sa kaniya. "A-Ayaw n'yo po ba mag-hire ng katulong?" Sandali ko siyang nilingon at muling ibinalik ang tingin sa mga ilaw. "Para hindi kayo nag-iisa. Pansin ko rin po kasi na hindi kayo madalas mag-lock ng mga pinto."

"Bakit? Mag-aaply ka?"

Bakit ba tanong din ang isinasagot niya sa tanong ko!

Hindi na ako umimik pa. Huminga ako nang malalim pagkatapos ay muli akong tumikhim ng sunod-sunod bago 'ko humarap sa kaniya at binuksan ang bag para kuhanin ang notebook kong naglalaman ng mga drawing ng iba't ibang kisses.

Kissing Tutorial (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon