"I hate all of you! Lahat kayo iniwan ako! Lahat kayo kinalimutan ako!"
"Ano ba ang pinagsasabi mo, Clara? That's not true!" pagtanggi ni Papa sa paratang ko sa kanila.
"It's true, Papa! Lahat kayo kinalimutan ako, lalong-lalo ka na. Simula ng mawala si Mommy, tuluyan mo nang kinalimutan na anak mo ako..." Bumuhos ang mga luha ko na para bang gripo dahil sa sunod-sunod na pagdaloy nito sa mga pisngi ko.
"Kinalimutan mo nang may isa ka pang anak at hindi lang si Angela ang anak mo!" dugtong ko.
"Clara..." He is also teary-eyed at paulit-ulit pang umiiling.
"Sabagay, lumaki naman akong wala ka sa tabi ko. I never felt your love for me," mapait kong wika.
"Mahal kita, anak!"
"Hindi mo ako mahal, Papa! Hindi kasi kailanman hindi ko 'yon naramdaman mula sa 'yo, kasi habang lumalaki ako ay palaging wala ka. Kesyo busy sa trabaho pero ang totoo masaya kang kasama ang isa mo pang pamilya; iyang first love at ang anak niyo!"
Halos mapaos ako sa pagsigaw at napahagulgol pa sa pag-iyak. Ang sakit-sakit na, hindi ko na kaya kimkimin ang hinanakit ko.
"Papa, pinagmukha niyo akong tanga! Tanga ako kasi nanlimos ako ng pagmamahal mula sa inyo at ang sakit-sakit iyong kailangan mo pang manlimos ng pagmamahal para lang maramdaman mong may nagmamahal sa 'yo."
"Anak, I'm sorry to make you feel that," paghingi ng tawad ni Papa na lalapit sana sa akin pero umatras ako.
"Hindi na kailangan kasi sa totoo lang si Mommy ang dapat hingan mo ng tawad kasi habang mag-asawa kayo, nagtataksil ka sa kaniya at ginawa mo rin siyang tanga. Pa, dapat nirespeto mo rin si Mommy kahit papaano, lalong-lalo na sa mata ng batas at Diyos, mag-asawa kayo." Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang sarili ko sa malakas na paghikbi.
"Alam mo kung ano ang huling salita ni Mommy? Pangalan mo, Papa. Hinahanap ka ni Mommy noong mga oras na nag-aagaw buhay na siya, she was waiting for you pero nahuli ka na ng dating, hindi na niya kinaya!"
"Hindi ko alam---"
"You don't know because you didn't care about Mommy! Alam mo rin kung saan ako mas nasaktan? Noong hindi pa nagtatagal nang mamatay si Mommy ay pinakilala mo na sa akin si Angela na anak mo rin at pinakasalan mo na agad ang first love mo!"
Halos lahat sila ay naluluha: ang stepmother ko, si Angela, Papa, at Ked na mukhang naguguilty.
"Ikaw, Ked.... Sana maging masaya ka na ngayon... Malaya ka na."
Halos madurog ako sa mga binitiwan kong mga salita at ang tagal din kong kinimkim ang mga iyon. Pagod na ako, pagod na akong kunin ang dapat sa akin kasi sa huli para bang wala naman talagang 'akin'.
BINABASA MO ANG
Owning What's Mine (COMPLETED)
General Fiction"I just want to feel love but everyone see me as a crazy bitch who always wants an attention. Kailan kaya ako magiging kamahal-mahal? Kailangan kaya mapapasaakin ang dapat sa akin?" -Maria Clara Vinzella (The Protagonist but Villain of her story)