Chapter 49: Her Tears

176 8 0
                                    

"We should transfer them to our most safest hideout," suhestiyon ni Haru na seryusong nakatingin sa blue print ng lugar na pinagtataguan ngayon ng mga Yuta rito sa Pilipinas.

He is pertaining to my family. He wants them to transfer to our headquarters in Japan but it is very difficult for us to secretly transfer them and it's also dangerous.

"We can't do that..." tugon ko.

"Mas mapapahamak sila pagnanatili sila rito, kahit anong oras ay maaaring pasukin ng Yuta ang hideout natin ngayon. Alam nating lahat na mahina ang seguridad ng lugar na 'to," pag-insist ni Haru.

"Kaya dapat maunahan natin sila," pagdugtong ko sa sinabi niya.

"Then, we need more men," pagsabat ni Mizzy.

"We should," pagsang-ayon ko.

"Should I contact, Ichi?" tanong ni Mizzy na tinutukoy ang lalaking mata namin sa mga Yuta.

"No. Huwag na natin siya idamay," sagot ko at huminga ng malalim at ipinatong ang dalawa kong kamay sa lamesa.

Pinagmasdan ko ng mabuti ang blueprint ng hideout ng mga Yuta. Mas protektado ang lugar kaysa sa hideout namin.

Mahinang hinampas ni Mizzy ang lamesa. "But, I think Mistress... We have no choice. We need to transfer them to our headquarters in Japan."

Huminga ako ng malalim bago tumango. "All right."

Kinausap ko sila Papa tungkol sa pagpapadala namin sa kanila sa Japan para sa kaligtasan nila. Naintindihan nila ako at sinunod ang plano ko.

Kinagabihan ay ginawa na namin ang planong pagpapadala sa kanila sa headquarters namin sa Japan.

Sumama ako mismo sa sasakyan nila para masiguro ang kaligtasan nila ngunit nangyari ang kinababahala namin.

Tinambagan kami ng Yuta at sapilitang kinuha ang pamilya ko.

"If you want to see them alive again then, you should don't do anything I hate and do what I want. Be my guess tomorrow night, you know where the f*cking reception. See you there, Mistress..." nakangising usal ni Yuta habang maraming tauhan niya ang nakatutok ang baril sa amin nila Haru at sa pamilya ko.

Wala akong magawa dahil kung lumikha ako ng kahit isang maling kilos, mapapahamak ang pamilya ko. Yuta is known for being heartless. If they want to torture me right now, they will start by killing my family that will give me an emotional torture.

"F*ck!" singhal ko nang tuluyan na silang makalayo.

Inagaw ko ang baril na hawak ng isa sa kakaunting tauhan na sinama namin at saka pinagbabaril ang lupa.

"F*ck! F*ck! F*ck!" paulit-ulit na pagmumura ko.

"Calm down, Mistress... We can resolve it," pagpapakalma ni Haru.

"How?! They f*cking kidnap my whole f*cking family?!" galit na sigaw ko.

"We still have our ace, Mistress," pagpapaalala ni Mizzy na ngumisi kinalaunan.

Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim at saka muling binuksan ang mga mata.

"Ihanda na natin ang mga gamit," seryusong utos ko na kinangisi naman ng magkapatid.

Kedricson's Point of View


Ang sakit ng ulo ko na para bang binibiyak. When I opened my eyes, the first thing I saw was a little boy's little finger. Muntik na nga akong matusok ng daliri niya.

Owning What's Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon