Pinaliguan ko si Nadia at sinuot sa kaniya ang biniling damit ni Ked.
She's cute. May matatabang pisngi siya na namumula-mula pa, may singkit na mga mata, may maliit na ilong at manipis at pinkish na labi. Hanggang balikat ang haba ng kulay itim niyang kulot na buhok at ang nakakuha ng atensyon ko ang birthmark niya sa batok.
"Ang cute mo naman!" nakangiti kong puri at hinaplos-haplos ang buhok niya na tapos ko ng patuyuin gamit ang blower ni Avin.
Tiningnan niya lamang ako, isang tingin ng batang may matinding kuryusidad. Mayamaya ay tinuro niya ang hugis rabbit na ibinigay ko sa kaniya kanina.
Kinuha ko ito at binigay sa kaniya. "Gusto mo niyan? May mga laruan na binili sa 'yo, gusto mo makita?" mahinahon na tanong ko sa bata at saka ngumiti.
Umiling-iling siya.
"Here, you want foods?" alok ni Ked na may dala-dalang donuts.
Tumingin muna sa akin si Nadia na para bang humihingi ng permiso kung pwede niya kunin ang binibigay sa kaniya ni Ked.
"Go on, eat it," wika ko na kinababa niya naman ng hawak niyang laruan at kumuha ng dalawang donuts at agad na nilantakan iyon.
"She's so cute!" komento ni Angela na manghang-mangha na nakatingin kay Nadia.
"Slow down, baka mabilaukan ka," paalala ni Ked na naglahad pa ng mineral bottle na binuksan niya na.
Muli, tumingin ulit sa akin ang bata kaya tumango naman ako bilang senyas na pwede niya iyon inumin.
Nakaupo kaming tatlo sa gilid ng kama. Pinanggitnaan namin ni Ked si Nadia habang si Angela naman ay nasa may pintuan at masaya na nakatingin sa bata na para bang nahihiwagaan.
"Asan ang mama at papa mo?" mahinahon na tanong ni Ked na kinatigil naman ng pagkain ng bata at muling may namumuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata.
"It's okay, Baby Nadia... Hindi ka namin pipilitin na sabihin. Tapusin mo na muna ang kinakain mo," pagpapatahan ko at hinaplos-haplos ang buhok niya.
Suminghot-singhot ang bata at nagpatuloy ulit sa pagkain.
"Can you hand me the tissue over there," pag-request ko kay Ked na kumilos naman at binigay sa akin ang tissue.
Pinunasan ko ang mga pagkain na nasa pisngi ni Baby Nadia lalong-lalo na ang chocolates na flavor ng donut na kinakain niya.
"You look like a family," biglang usal ni Angela na nakangiting nakatingin sa aming tatlo.
"I agree," pagsang-ayon ni Avin na nasa tabi na ng kapatid ko.
Sa sinabing iyon ni Angela ay sabay kaming napatingin sa isa't isa ni Ked at sabay rin nag-iwas ng tingin.
"Anyway, can we stay here for a night?" pag-iiba ko ng topic.
"Sure! No prob! Maraming kwarto," nakangising sagot ni Avin na kinindatan pa ako.
Ngumiwi ako at inirapan siya.
"How about you, Ked? You should go home, mukhang marami ka pang trabaho na gagawin bukas," wika ko habang kay Baby Nadia nakatingin.
"As if, I can work peacefully tomorrow... Siguradong mga press ang bubungad sa akin bukas sa kompanya," aniya at bumuntonghininga.
"Oo nga pala, the issue..." Si Ate Angela na yumuko pa.
"So, what's the plan, Clara?" Avin asked.
"Nothing. Don't do anything, let them be crazy over that f*cking old issue," agad na sagot ko at kumibit-balikat pa.
BINABASA MO ANG
Owning What's Mine (COMPLETED)
Tiểu Thuyết Chung"I just want to feel love but everyone see me as a crazy bitch who always wants an attention. Kailan kaya ako magiging kamahal-mahal? Kailangan kaya mapapasaakin ang dapat sa akin?" -Maria Clara Vinzella (The Protagonist but Villain of her story)