Pagkauwi ko ay sinalubong ako ng mga katulong namin na may nag-aalalang ekspresyon lalong-lalo na ang nag-alaga sa akin simula ng mawala si Mommy.
"Iha, okay ka na ba?" tanong ni Nanay Celly.
"I am, it's just a cut," sagot ko at winagayway ang wrist ko na may benda pa rin.
Nag-aalala pa rin sila. Nakakatawa lang na palagi ko silang sinusungitan pero ganito pa rin sila mag-alala sa akin at napaka-sincere pa.
"Akyat na po muna ako sa kwarto ko," magalang na pagpapaalam ko.
Tumango naman si Nanay Celly na inalalayan pa ako paakyat ng hagdan.
"Sobrang nag-alala ang tatay mo sa nangyari sa 'yo, he's very guilty," aniya.
Tumigil ako sa paglalakad. "I don't want to talk about him, Nanay," pakiusap ko at inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin at saka pumasok na sa kwarto ko.
Pagkapasok ko ay agad akong umupo sa harapan ng computer at saka nagsimulang mag-aral ng mga ilan sa na-miss kong lessons at syempre nag-advance study na rin.
This how my life evolved. Boring.
In the middle of studying, my phone suddenly ring.
Agad ko naman dinampot iyon at sinagot ang tawag.
"Hello?" bungad ko.
"It's Ked," sagot ng boses sa kabilang linya.
Nabitawan ko ang ballpen na hawak ko at saka dumiretso sa veranda ng kwarto ko.
"Bakit napatawag ka? Did you miss me?" nakangiti kong tanong.
"I just want to check you... Are you okay?"
Mas lumawak ang ngiti sa labi ko. "I am."
"My birthday is getting near..."
"Yes, I will attend! I will be your muse, right?" nakangiti ko pa rin na wika at tanong.
"Yeah..." bored na sagot niya.
"I will be your muse talaga. Subukan mo lang maghanap ng ibang muse, yari ka sa akin!" pananakot ko at umirap pa sa kawalan.
"Hmmm."
"Sige na, may ginagawa pa ako. See you na lang sa birthday mo!" pagpapaalam ko at binaba ang cellphone.
I should prepare my dress that I will wear to his birthday.
Bago ko tuluyan na asikasuhin ang damit na susuotin ko ay tinapos ko muna ang nauna kong ginagawa kanina.
***
"Hey! Malapit na ang birthday ni Ked," anang Avin na biglang bumisita ng bahay.
Akala ko nga hindi siya papasukin pero pinayagan naman pala siya. She's not banned in our house but I'm banned to hangout with her.
"Yes and I am his muse," proud kong tugon at hinawi pa ang buhok ko.
Tinaas niya ang isang kilay. "Kinuha ka niya?"
"Nah, I volunteer myself. Of course, I will be his muse because I'm his future wife!" mataray kong sagot at inirapan pa siya.
"Okay." Kumibit-balikat si Avin at saka tumingin ulit sa television na nasa kwarto ko.
"Why are you here pala? Anong pakay mo ba sa akin?" pag-iiba ko sa topic habang nakatingin sa kumakain ng popcorn na si Avin.
"Wala lang, I'm checking on you," sagot niya habang nakatingin pa rin sa television.
BINABASA MO ANG
Owning What's Mine (COMPLETED)
General Fiction"I just want to feel love but everyone see me as a crazy bitch who always wants an attention. Kailan kaya ako magiging kamahal-mahal? Kailangan kaya mapapasaakin ang dapat sa akin?" -Maria Clara Vinzella (The Protagonist but Villain of her story)