C-17: Her Debut Party

161 8 0
                                    

I am bored. Puro business ang pinag-uusapan nila at hindi nagpapatupi si Haru at Ked na mukhang nagyayabangan pa habang si Mizzy naman ay dinadaldal si Angela.

"Can I go?" biglang usal ko dahilan para mapatigil sila sa pag-uusap at tumingin sa akin.

"Where?" tanong ng tatay ko.

"Kay Mommy, I will visit her," sagot ko at tumayo na.

"Sama ako, Boss!" masiglang wika naman ni Mizzy na tumayo na rin.

"I guess, I will come with them," anang Haru na pinunasan na ang bibig niya.

"Me too," pag-segunda ni Ked din na tumayo na rin.

"Sasama kayong lahat kay Clara?" tanong ni Papa na nakakunot ang noo.

"They will not, I will go there alone," sagot ko at umirap.

"Okay, didiretso na lang ako sa apartment namin," anang Haru na ang bilis kausap.

"Sasama ako kay Boss!" pagpupumilit ni Mizzy na yumapos pa sa braso ko.

Inalis ko naman ang pagkakayapos niya kaso binalik niya naman ulit kaya hinayaan ko na lang.

Lahat ay napatingin kay Ked nang hindi pa rin ito sumasagot.

"I'll come with Clara," sagot niya at tumango-tango.

"Tsk! Bahala nga kayo!" singhal ko at naglakad na palabas ng restaurant na 'yon.

Narinig ko pang nagpaalam pa yung mga sasama raw kuno sa akin bago ko naramdaman na nasa tabi ko na sila.

Pinanggitnaan na naman ako ni Ked at Mizzy na katabi si Haru.

"I'll go, umuwi ka na mamaya Mizzy. Otosan is looking forward to see you," anang Haru at sumakay na ng taxi.

"I have a car with me, doon na lang kayo sumakay," alok ni Ked na inilabas na ang susi ng kotse niya.

"Sige!" pagsang-ayon ni Mizzy.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Tigilan mo nga ako d'yan, Boss. Gustong-gusto mo naman nga sumakay sa kotse niya," bulong niya.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata para sawayin baka kasi marinig ni Ked ang pinagsasabi niya, magmumukha na naman ako nitong naghahabol.

"Ready?" Ked's asked for permission, so he can already drive his car.

"Yeah," maikling sagot ko at tumingin sa nakabukas na bintana ng kotse.

Magkatabi kami ngayon ni Mizzy sa likurang upuan ng kotse, gusto sana ako paupuin ni Ked sa tabi niya kaso hindi ko pinansin ang binuksan niyang pintuan bagkus ay tumabi ako kay Mizzy.

"Are you mad at me?" tanong ni Ked habang nasa byahe kami na hindi ko naman sinagot.

"Hindi ka pa rin nagbabago, still immature and doesn't accept your wrongs," aniya na kinakuha naman ng atensyon ko at tiningnan siya sa mirror na nasa unahan ng kotse.

"What? Totoo naman 'di ba?" wika niya ulit na bahagyang sumilip sa mirror.

Imbis na sagutin siya ay umirap na lang ako.

"Mabait naman si Boss, e!" pagdepensa ni Mizzy sa akin.

"Pag may kailangan sa 'yo at tulog," dugtong niya na kinawala ng ngiti kanina sa labi ko.

Sinamaan ko rin siya ng tingin na nag-peace sign lang.

Natahimik ulit kami hanggang sa tumigil na ang kotse. I guess, we're here.

Binuksan ko na ang pintuan ng kotse at lumabas doon, sumunod na rin sa akin si Mizzy na nililibot ang paningin niya.

Hindi na ako nag-atubiling hintayin o ayain na sila bagkus ay nauna na akong naglakad papasok sa sementeryo.

Owning What's Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon