Kanina pa ako naiinis kay Mizzy dahil sa kadaldalan nito. We are still in the plane, and she is really annoying because of so much talking.
"Can you shut up?" mataray kong sabi na kinanguso niya naman.
"Baka kasi hindi tayo umabot sa graduation natin! Sayang, may award pa naman ako!" pagmamaktol niya pa.
"Manahimik ka na lang kasi, Mizzy," anang Haru at sinalpak na ang earphones niya sa tenga.
He glanced at me and furrowed his eyebrows.
"What?" I mouthed.
May kung anong kinuha siya sa gamit niya at mayamaya ay humarap sa akin at saka binato ang headset na mabuti ay nasalo ko.
Inirapan ko siya at ni-connect na yung headset sa phone ko at saka nilagay sa tenga ko.
Malapit nang mag-landing ang sinasakyan naming eroplano sa Manila at saka ilang oras din na byahe papunta sa school.
Sana naman makaabot kami sa graduation, I should be there to prove and slap the truth to them that I am very talented and gorgeous young woman.
"Let's see, who's the winner, Angela."
Angela's Point of View
Inaayos ko ang necktie ni Papa, kami na lang kasi ang mag-aattend sa graduation ni Clara dahil baka hindi na siya makaabot sa graduation ceremony. Medyo na delay kasi ang flight niya pauwi.
"Ayos na po, Papa," nakangiti kong sabi at umatras para makita ni Papa ang repleksyon niya sa malaki at mahabang salamin.
"I am handsome," sabi ni Papa at bahagyang tumawa.
"Ang hangin, Angelo ha!" pabirong sigaw ni Mama at lumapit sa gawi namin.
"Bakit? Hindi ka ba nagaguwapuhan sa akin?" gulat na tanong ni Papa pero alam ko namang nagbibirong reaksyon lang iyon.
"Heh!" tugon ni Mama at pabirong hinampas siya sa braso.
"Gwapo naman talaga siya Mama, 'di ba? Kaya nga maganda ako, e!" wika ko na may halong pagbibiro.
"Edi, kayo na ang magkamukha!" Si Mama ulit.
Lumapit ako sa kanilang dalawa at sabay silang yinakap.
"Mahal na mahal ko po kayong dalawa... Gano'n din si Clara," bulong ko na alam kong narinig nilang dalawa.
"Sus! Ang anak ko, naglalambing!" usal ni Mama na yinakap ako at hinalikan sa noo.
"I love you too. Mahal ko kayong dalawa ng Mama mo," wika naman ni Papa at hinalikan din ako sa noo.
"Pero kailangan na po nating umalis baka ma-late tayo sa graduation ni Clara!" untag ko.
"Yeah, we should go," pagsang-ayon ni Papa.
Lahat kaming tatlo ay nakasuot ng casual na damit para sa graduation ceremony rites ni Clara. Medyo malungkot kasi parang hindi aabot si Clara at hindi siya ang personal na tatanggap ng diploma at medalya niya pero sana umabot siya.
"Okay na ba ang lahat? Wala ng nakalimutan?" tanong ni Papa nang makapasok na kaming tatlo sa kotse.
"Okay na po," sagot ko na sinang-ayunan naman ni Mama kaya nagsimula nang nag-drive si Papa.
Nakaupo ako ngayon sa upuan sa likurang bahagi ng kotse habang si Mama ay nasa front seat na katabi ng nagmamaneho na walang iba kundi si Papa.
Buong byahe ay si Mama at Papa ang nag-uusap, nagsasalita ako kapag may tinatanong sila sa akin at kapag hindi ay nanatiling nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse.
BINABASA MO ANG
Owning What's Mine (COMPLETED)
General Fiction"I just want to feel love but everyone see me as a crazy bitch who always wants an attention. Kailan kaya ako magiging kamahal-mahal? Kailangan kaya mapapasaakin ang dapat sa akin?" -Maria Clara Vinzella (The Protagonist but Villain of her story)