"Ready na ba ang lahat?" tanong ko kay Mizzy at Haru.
"All done, Boss!" masiglang sagot ni Mizzy.
"Good!"
Lumapit ako sa nakatokang facilitators sa unang activity namin ngayong araw.
"Ready na ba kayo?" I asked them.
"Yes po, Ms. Pres!" sabay na sagot nila na kinatango ko naman saka pumunta sa staffs ng hotel na maghahatid ng foods sa mga participants and facilitators.
"Here's the total counts of participants and other staffs of our school," sabi ko na kinatango naman nila.
Mayamaya ay nagsimula na ang indoor activity at nanatili ako sa tabi para magmasid at kumuha ng mga litrato na i-su-submit sa school.
Everyone is enjoying the activity until it ended well.
Pinakain na namin ang mga participants pero bago iyon ay nagsalita muna ako sa unahan para sa mga reminders sa mga dapat at hindi dapat gawin ng bawa't isa. Halos maggagabi na bago natapos ang activity kaya naghatid na ng dinner foods ang ilang staffs sa occupied place namin sa hotel.
"Later, mag-random check tayo sa bawat rooms before the bed time," pag-remind ko sa SSG officers.
Lahat kami ay kumakain na rin pero karamihan sa amin ay busy sa papers na inaaral namin para sa kani-kaniyang activities na kami ang nakatokang facilitator.
"Can we roam around later, Pres? May libreng oras pa naman tayo, 'di ba?" anang SSG Treasurer.
I check the time on my wristwatch. "Okay, but you just have 2 hours and a half, pagkatapos ng binigay kong libreng oras ay bumalik agad kayo sa hotel," tugon at paalala ko at saka sumubo ng pagkain.
"Nice! Angela, sama ka sa amin mamaya," pag-aya ng isa sa mga SSG officers sa new appointed SSG secretary.
"No, she can't. Marami pa siyang dapat gawin as our 'secretary'," pagtutol ko at sinambit na may diin ang huling salita.
Mukhang nanghinayang sila nang sabihin kong hindi pwede sumama si Angela.
Kanina nga ay dapat sa bus namin siya nakaupo kaso nakiusap siya na roon na lang daw siya sasakay sa isang bus kasi siya ang class president at kailangang bantayan ang classmates niya.
Nagpatuloy sila sa pagkain hanggang sa matapos na ang karamihan at nagpaalam na maglibot-libot na muna.
"Bakit hindi ka nagsumbong kay Papa?"
"Huh?"
Iniaangat ko ang mukha ko dahilan para magkasalubong ang mga mata namin.
"You should tell to him that I hurt you," pag-uulit ko.
"Hindi na kailangan. Hindi mo naman sinasadya iyon at dala lang iyon ng galit mo kaya nasaktan mo ako," wika niya dahilan para kumulo ulit ang dugo ko.
"That's it! Bakit ganyan ka?! I hurt you na 'di ba?! Dapat lumaban ka!" singhal ko at hinampas pa ang lamesa dahilan para mapatingin sa amin ang ibang naririto pa.
Umiling-iling lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa niya sa laptop.
Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata ko at sa muling pagdilat ko ay walang pasabing naglakad ako paalis.
Sa paglalakad ko papunta sa Comfort Room ay nakasalubong ko si Mizzy.
"Boss! Okay ka lang?" concern na tanong niya.
"I'm not, get out of the way!" tugon ko at binuksan ang pintuan ng C.R.
Dumiretso ako sa gripo at sinimulan na hugasan ang mga kamay ko.
BINABASA MO ANG
Owning What's Mine (COMPLETED)
General Fiction"I just want to feel love but everyone see me as a crazy bitch who always wants an attention. Kailan kaya ako magiging kamahal-mahal? Kailangan kaya mapapasaakin ang dapat sa akin?" -Maria Clara Vinzella (The Protagonist but Villain of her story)