C-29: His Hatred Towards Me

182 7 2
                                    

Hindi nagtagal ay nagkapirmahan na.

Ang apilyedo ng mahal ko ay idinugtong na sa pangalan ko.

Walang naganap na engrandeng kasalan dahil sa pinili na lamang ng dalawang pamilya na maikasal kami ng palihim kahit attorney lamang ang present sa araw na magkakapirmahan.

Ked gave me a simple rings but I know, it's pricey.

Dalawang singsing, isa bilang engagement ring ko na ipapakita sa public at isa pa na kaparehas ng singsing ni Ked; a couple rings.

Mabilis natapos lalong-lalo na't kumain lamang kami after magkapirmahan sa restaurant na pagmamay-ari ng mga Villareal.

"Ikaw na ang bahala Ked sa anak ko," bilin ni Papa na kinatango ni Ked.

Nagpaalam na ang dalawang pamilya at kami na lang ang naiwan ni Ked sa kotse niya.

Ang sabi ni Mommy Kelra ay may sariling bahay si Ked na pinatayo at nasisiguro kong ipinatayo niya iyon para sa posibleng pamilyang bubuuin niya kasama si Angela.

"We should go home," usal ko na kinatingin niya naman sa akin at bumuntonghininga.

"I hate you," aniya dahilan para makaramdam na naman ako ng pagkirot ng dibdib ko.

Ilang segundo siyang nakatingin sa akin pagkasabi ng masakit na salitang iyon bago pumasok sa driver seat.

Noong una ay para bang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko pero agad naman ako nakabawi at binuksan na ang pintuan ng kotse at umupo sa front seat na katabi ng driver seat na inuupuan ng walang iba kundi si Ked.

Mayamaya ay nagsimula na siyang magmaneho at mahabang katahimikan ang namayani sa amin.

Buong byahe ay nakatingin ako sa suot kong puting damit, simple lamang itong puting eleganteng damit na pinaresan ko ng puting sandals at may malaking kulay puting ribbon din akong inipit sa buhok ko.

Hindi nagtagal ay ang daliri ko naman na may suot na singsing ang tiningnan ko. Dalawang elegante at simpleng singsing.

"Hates me more, Ked... I don't care as long as you're mine," wala sa sariling usal ko bago binuksan ang pintuan ng kotse at lumabas.

Bumungad sa akin ang simpleng bahay, konkreto ang pagkakagawa pero hindi gaano kalakihan kagaya ng bahay namin o ng mga Villareal.

Nauna siyang naglakad papasok kaya sumunod naman ako, bumungad sa akin ang kabuuhan ng bahay, kompleto na sa mga gamit ngunit halatang bago pa lamang na gawa at bagong lipat ng mga gamit dahil ang ilan sa mga ito ay may nakabalot pang plastik.

Muli, inilibot ko ang paningin para hanapin si Ked hanggang sa natagpuan ko siyang nasa kusina at may alak na iniinom.

He's drinking it like there is no tomorrow. Parang wala rin ako sa tabi niya kung umasta siya.

Huminga ako ng malalim bago iniwan siya at linibot pa ang kabuuhan ng bahay, nalaman kong tatlo ang kwarto, isa sa baba at dalawa sa second floor. Isa sa kwarto sa second floor ang mukhang gamit na, sigurado akong iyon ang kwarto ni Ked sa bahay na ito.

Dumiretso ako sa kabilang kwarto at doon nagpalit ng gamit na dala ko. I am wearing now my paired pajamas.

Nagtagal ako sa banyo dahil nagbabad pa ako ng sarili ko sa bathtub na gawain ko bago matulog at saka naglakad pababa ulit, diretso sa kusina kung nasaan si Ked.

"Maraming bote na ng alak 'yan, Ked. Matulog ka na," malumanay na saway ko sa umiinom pa rin na si Ked.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at tinuring akong multo na hindi niya naririnig o naiintindihan.

Owning What's Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon