Halos isang linggo rin nag-stay sa amin si David, walang naging problema kasi mabait at hindi pasaway na bata ang pamangkin ni Ked.
Tuwing may trabaho kami ay nasa isang place lang siya at doon naglalaro at dahil din sa batang ito ay pinapasabay ako ni Ked sa kotse niya dahil sa kahilingan ng pamangkin niya.
"Ba-bye po Tita Clara!" naiiyak na pagpapaalam ni David sa akin.
Hinaplos ko naman ang buhok niya. "Huwag ka ng umiyak, magkikita pa naman tayo e," pagpapatahan ko sa bata.
"Kung dito na lang po kaya ako sa inyo ni Tito Kedric?" aniya.
"Alam mong hindi pwede, 'di ba? May school ka na," pagtanggi ko sa gusto niyang mangyari.
"David, come here! We will go home," pagtawag ng daddy niya.
Pinunasan naman ni David ang mga luha sa pisngi niya at humawak sa kamay ko.
"Goodbye, Tita Clara! Magkikita pa tayo, promise, a?"
Tumango ako bilang sagot at hinalikan siya sa noo.
Naglakad na siya palapit sa daddy niya na hindi naman nalalayo ang edad kay Ked.
"Subukan mo ulit iwanan ang anak mo dito ng walang notice, makakatikim ka Dylan!" nagbabantang usal ni Ked na kinatawa lang ng lalaki at hinawakan sa kamay ang anak niya.
"Sige, salamat ulit sa pagbantay kay David. Salamat, Clara!" aniya na kinatango ko naman.
"Ba-bye, Tita Clara!" Si David na kumakaway pa.
"Ba-bye!" tugon ko at kumaway din.
Naglakad na sila palabas ng bahay at sumakay sa kotse. Muli ay kumaway si David kaya kumaway rin ako hanggang sa umandar na ang kotse at nawala ito sa paningin ko.
Bumalik ulit sa dati ang lahat, mula sa malamig na pakikitungo ni Ked pero pinagpasalamat ko na hindi na siya gaano umiinom ng alak.
Kinabukasan ay may pasok ulit kami at hindi kagaya ng nakaraang araw ay hindi na ako pinasakay ni Ked sa kotse niya at mas nauna pa sa akin nagbyahe papunta sa kompanya.
Wala akong magawa kundi magmaneho ng sariling kotse at ngumiti sa harapan ng lahat na nakakasalubong sa akin para ipakita na okay ang lahat lalo na ang relasyon namin ni Ked.
I tried to become his perfect and loving wife but at the end of the day, I'm just an air to him.
Nagpatuloy pa ang ganoong pakikitungo niya sa akin, kung kakausapin niya naman ako ay tungkol sa trabaho at para bang empleyado lang ang turing niya sa akin lalong-lalo kapag nasa bahay kami.
Ganoon ang relasyon namin sa halos anim na buwan na pagiging mag-asawa.
"Boss!"
Napatingin agad ako sa likuran nang marinig ko iyon.
"Mizzy," nakangiti kong usal sa pangalan niya.
May dala-dala siyang pagkain, kagaya ko ay may suot din siyang ID na galing sa kompanya. Kung tutuusin ay pwede sa Japan na siya magtrabaho pero mas pinili niya pa rin ang Pinas at magtrabaho kasama ako.
Halos limang buwan na rin siyang nagtatrabaho sa kompanya ng mga Villareal at kasa-kasama ako ganoon din si Haru ngunit nasa ibang department kaya't hindi kadalasan namin siyang nakakasabay.
"Tapos ka na sa work mo?" tanong ko.
"Oo naman, Boss! Easy lang naman iyong binigay na trabaho sa akin," pagmamayabang niya at nagsimula ng kumain.
Hindi kami katulad ng ibang empleyado na kumakain ng lunch and snacks sa food cafeteria, palagi kaming sa office ko kumakain at kahit medyo malayo ang office ko ay pinupuntahan pa rin ako ni Mizzy na may palaging dalang mga pagkain pero syempre hiningian niya ako ng bayad sa mga foods na kinain ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/312820416-288-k419964.jpg)
BINABASA MO ANG
Owning What's Mine (COMPLETED)
Fiksi Umum"I just want to feel love but everyone see me as a crazy bitch who always wants an attention. Kailan kaya ako magiging kamahal-mahal? Kailangan kaya mapapasaakin ang dapat sa akin?" -Maria Clara Vinzella (The Protagonist but Villain of her story)