Halos hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kapaligiran ko dahil sa sobrang sakit ng tyan ko.
Natatakot ako baka may mangyari sa baby ko kasi delikado raw kapag nasa ikawalong buwan ng pagbubuntis.
Hindi ko gaano marinig ang pinagsasabi ng nasa paligid ko basta't ang alam ko ay ipinasok na ako sa isang room at ni-check ang tyan ko.
"She needs to deliver her baby." Narinig kong wika ng doctor.
Nag-usap-usap pa sila at may kung anong tinurok sa akin.
Parang mawawalan na talaga ako ng malay pero pinilit kong labanan dahil mas manganganib ang anak ko.
Hindi nagtagal ay may narinig akong iyak ng baby at pagkatapos noon ay tuluyan ng pumikit ang mga mata ko.
Nagising ako na nasa isang room, hindi ito iyong room na pinagdalhan sa akin kanina.
Pinilit kong umupo at agad namang may umalalay sa akin na nilagyan pa ng unan ang likuran ko.
"M-Mizzy?" Medyo paos na tawag ko sa kaniya.
"Hmm? May masakit ba sa 'yo, Boss?" malumanay at nag-aalalang tanong niya.
"Y-yung b-baby ko? Asan na siya?" tanong ko.
Hindi siya sumagot bagkus ay inabutan ako ng isang basong tubig na hindi ko naman tinanggihan.
Pagkainom ko nito ay nagtanong ulit ako. "Ang baby ko? Asan na?"
Tahimik pa rin siya at hindi sumasagot hanggang sa may mga pumasok.
Sila Papa, Lina, Mommy Kelra, Daddy Kino at Ked na ang lulungkot ng mga mukha.
"Asan ang baby?" seryusong tanong ko sa kanila na nagulat nang makitang gising na ako.
"Siguro, magpahinga ka na muna Clara. Kailangan mong magpalakas," sagot ni Papa na bumuntonghininga pa.
Nagsimula nang makaramdam ako ng kaba at takot lalo na sa mga inaasal nila ngayon.
"Where's my baby?!" pasigaw na tanong ko ulit.
"Our baby is... dead," sagot ni Ked na namumula na ang gilid ng mga mata.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Hindi agad ako makapag-react at napapakurap-kurap na lamang.
"No! Hindi pwedeng p-patay ang baby ko kasi narinig ko siyang umiyak kanina!" sigaw ko.
My hands are shaking again.
"It's true, Clara. Patay na ang baby niyo ni Ked," pagkumpirma ni Mommy Kelra na naluluha.
"N-no!" Sunod-sunod na ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko.
"Mas mabuting magpahinga ka na muna, Clara. You need to recover," wika ng tatay ko.
Ang sakit-sakit ng dibdib ko, mas masakit ang nararamdaman ko ngayon. Para akong nawawalan ng lakas.
"Asan ang baby ko? Gusto ko siya makita..." pagmamakaawa ko habang nakatulala sa sahig.
"Clara..." Si Ked.
"Gusto ko siya makita?! Ituro niyo kung nasaan ang baby ko?! Sabihin niyo kung nasaan siya?!" malakas na sigaw ko.
"Sasamahan kita, Clara," tugon ni Mizzy na hinawakan ako sa kamay.
Inalalayan niya ako makatayo pati sa paglalakad. Naglakad kami palabas ng hospital room ko at pumunta sa isang kwarto.
Nasa maliit na higaan ang isang balot-balot na baby. Hindi siya gumagalaw o gumagawa ng ingay kagaya ng ibang bagong panganak na sanggol.
BINABASA MO ANG
Owning What's Mine (COMPLETED)
General Fiction"I just want to feel love but everyone see me as a crazy bitch who always wants an attention. Kailan kaya ako magiging kamahal-mahal? Kailangan kaya mapapasaakin ang dapat sa akin?" -Maria Clara Vinzella (The Protagonist but Villain of her story)