C-04: Those eyes

178 10 0
                                    

It's been a few weeks since the day I threatened Angela, at sa mga nagdaang araw, mas naiinis ako sa kaniya dahil ang bait-bait niya pa rin sa akin. I'm waiting for her to be mad at me, but she just responds with a faint smile every time I do something bad to her.

Nakakainis!

"Clara, iniiwan mo raw si Angela sa school at hindi pinapasabay papunta sa school," bungad ni Papa sa akin pagkababa ko galing sa kwarto.

"She knows how to commute naman," pagrason ko at naglagay ng tubig sa baso at ininom ito.

"Paano kung may nangyari sa kapatid mo?! Ang sama na talaga ng ugali mo Clara, hindi ka naman ganyan pinalaki namin ng mommy mo!"

Napakunot ang noo ko nang banggitin niya si Mommy at kung paano ako nito pinalaki.

"Stop questioning how my mother raised me! Wala ka sa mga oras na lumaki ako, Papa, kaya huwag na huwag mong kukuwestiyunin kung paano ako pinalaki ni Mommy," seryoso kong sagot at padabog na naglakad paakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko.

"Clara, sinisikap kong mapalapit sa 'yo, sadyang tinutulak mo lang ako palayo," ani Papa na kinangiti ko ng mapait at tumigil sa paglalakad.

"Kailan mo naman pinilit, Papa?" tanong ko habang nakatalikod pa rin, at saka, unti-unting humarap ulit sa kaniya. "Kailan mo pinilit mapalapit sa akin?"

"Kumalma na muna siguro kayong dalawa, Angelo," pagsabat ni Lina na dinaluhan na ang butihing ama ko na hinihilot ang kaniyang sentido.

"Oo nga po, magsisimba pa naman tayo," dugtong ni Angela.

Kaya pala nakasuot sila ng panlabas na damit.

"You're still grounded, Clara. You will not go outside," wika ulit ni Papa.

"I have a taekwondo class today, I need to go out," tugon ko.

Hindi na umimik si Papa at naglakad na palabas ng bahay, sinundan siya ni Lina habang si Angela ay nagpaiwan.

"Alam kong wala akong karapatan na diktahan ka sa gagawin mo sa buhay mo pero sana bigyan mo naman ng respeto si Papa, magulang mo pa rin siya," aniya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh shut up!" maarte kong usal at tuluyan nang tumalikod at naglakad papunta sa kwarto ko para kunin ang ilang gamit na gagamitin ko sa taekwondo class.

Pagkababa ko ay hindi pa pala nakakaalis ang tatay ko at ang bago niyang pamilya dahil dumating ang lalaking magsusundo sa akin. He's now talking with my father.

"Let's go," aya ko sa lalaki. Nagpapaalam naman ito sa tatay ko at kay Lina.

"We will be late, Ked. Let's go," medyo naiinis kong aya dahil magpapaalam pa siya sa mag-ina ng tatay ko, ngunit hindi ko napigil ang pagpapaalam niya sa mga ito kaya sumimangot na lang ako.

"Let's go," aya niya sa akin na hinawakan pa ang ulo ko.

"Sige, mag-iingat ka sa pagmamaneho, Kedric," bilin ni Papa.

Hindi na ako nagpaalam at nauna nang naglakad papunta sa dalang kotse ni Ked.

"Wala ka talagang modo, hindi ka man lang nagpaalam sa Papa mo," ani Ked na tumingin pa sa akin na katabi na niya.

"You know my reasons."

"Tsk! Gumaya ka kaya sa kapatid mo, she's so kind and behave, hindi katulad mo na maldita."

Napairap naman ako. "Salamat sa panlalait ha? Salamat talaga!" sarkastiko kong sabi at humalukipkip.

Wala kaming imikan sa byahe, naiinis pa kasi kaya hindi ko siya kinausap katulad ng palagi kong ginagawa pagkasama ko siya.

Owning What's Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon