Galing naman! Ang romantic ng scene nila na akala mo may nakatutok ng camera at hindi pa nagsasabi ng 'cut!' iyong direktor kaya hindi pa rin sila gumagalaw sa kasalukuyang posisyon.
"It's been a minute. Hindi pa rin ba kayo nangangalay sa posisyon niyo ngayon?" pagsabat ko na kinabitaw naman nila sa isa't isa at umatras pa.
"Be careful," wika ni Ked na mukhang nag-aalala.
"Mmm! Sorry!" tugon naman ni Angela na tumango pa bago tumingin sa akin.
I do a siren eyes to her. Naiinis na naman talaga ako, umeepal na naman kasi siya.
"S-sige, aalis na ako. Sorry ulit, Ked," aniya at nakayukong naglakad palayo.
Palihim na sinamaan ko ito ng tingin bago tumingin kay Ked na sinusunod pala ng tingin si Angela.
"I'll pack my things, Ked," malamig kong wika at naglakad pabalik sa room ko.
Nagpalit muna ako ng damit, isang pares ng pormal na damit; beige color of pants, white top with thin strap and beige color of coat. I also wear a two inches of white hills.
Hinila ko na ang maleta palabas ng kwarto ko at dumiretso sa hotel room ni Ked na saktong palabas na rin.
"Do you really have no plan to tell your father that you are here?" bungad ni Ked na nakaayos na rin.
He's wearing white sweater and black pants paired with black shoes. Ang ganda ng porma niya, iyong tipong napakasimple ng suot pero nangingibabaw pa rin ang kaguwapuhan niya lalong-lalo na may suot pa siyang black sunglasses.
"Let's go," aya ko at hindi na sinagot ang tanong niya.
"You're such a brat, Clara," pabulong na komento ni Ked.
"I know and I don't care!" tugon ko at hinila na ang maleta ko.
Para bang lumulutang ang isip ko, sa buong pagbyahe namin ay wala akong kibo na pabor naman kay Ked. Hindi ko na siya kinulit pa ng mga bagay-bagay at natulog na lang sa buong byahe pabalik sa Bangkok at pauwi sa Pilipinas.
Naging maayos naman nga ang isang araw na bakasyon ko pero nasira rin naman agad.
"Mamumulubi na talaga ako sa 'yo," anang Ked na bumuntong-hininga pa bago binayaran ang in-order namin sa isang fastfood chain na may maskot na para bang bubuyog.
"Nagsabi iyong may black card," sabi ko at inirapan siya bago naghanap ng vacant seats.
Kakain na lang kami ng foods namin at pagkatapos ay uuwi na sa kani-kaniyang bahay.
"Anyway, I heard about school field trip. Is it already confirmed or not?" pag-iba niya sa topic na naupo na rin sa harapan ko.
"It has already confirmed, but there is no official date that have been release even tentative date. Wala pa rin kasing kinokompirma na petsa ang Dean," sagot ko at sinimulan ng kainin ang inihatid na order namin.
"But the field trip is just for senior high students, right?" tanong niya ulit.
Tumango naman ako bilang sagot.
"That's exciting!"
Nangunot ang noo ko. "Why is it exciting?"
"Because, we will travel," simple niyang sagot na taliwas naman sa gusto kong makuhang sagot mula sa kaniya.
Binalewala ko na lamang ito at pinagtuunan ng pansin ang pagkain ko. Pagkatapos namin kumain ay mayamaya nag-aya na siyang umuwi.
Naglakad kami papuntang parking lot at halatang init na init na siya sa suot niyang sweater habang hinubad ko naman ang coat ko kaya hindi na ako masyado naiinitan.
BINABASA MO ANG
Owning What's Mine (COMPLETED)
General Fiction"I just want to feel love but everyone see me as a crazy bitch who always wants an attention. Kailan kaya ako magiging kamahal-mahal? Kailangan kaya mapapasaakin ang dapat sa akin?" -Maria Clara Vinzella (The Protagonist but Villain of her story)