Angela Vinzella's Point of View
Ang saya ko nang makita at makilala ko ang kapatid ko. Clara ang pangalan niya.
Sa unang pagkikita namin ay akala ko magiging maganda ang kalalabasan pero nagkamali ako. Galit siya sa akin, sa amin ni Mama.
Marami akong balak sabihin at gawin na kasama ang kapatid ko pero ang pinaka-una kong gustong gawin ay yakapin siya pero hindi ko magawa kasi hindi pa man ako nakakalapit o kundi nakita niya pa lang ako ay nandidiri at naiinis na siya.
"Intindihan mo ang kapatid mo, Angela. She still needs to adjust," bilin ni Mama habang sinusuklay ang buhok ko na gawain niya noon pa man bago kami matulog.
"Opo." Ngumiti at tumango ako.
Naalala ko noong una ko palang nakita at nakilala si Papa.
(11 years ago...)"Mama..."
Lumuhod si Mama sa harapan ko para hawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Huwag mong intindihin sila, anak. Kapag nangyari ulit iyon ay isumbong mo na lang sa teacher mo," bilin ni Mama at hinaplos-haplos ang buhok ko.
"May papa po ba ako?" nakanguso kong tanong.
Hindi ako sinagot ni Mama bagkus ay yinakap ako ng napakahigpit at sa pagyakap niya ay bumungad ang hindi pamilyar na lalaki.
"Mama, may lalaki pong nakatingin sa atin," sabi ko at tinuro ang lalaki.
Kumalas naman sa pagkakayakap sa akin si Mama at tumingin sa lalaki, nagtaka ako sa gulat na reaksyon ni Mama.
"Kilala mo siya, Mama?" tanong ko.
"Is she... my daughter?" anang lalaki at naglakad palapit sa akin at yinakap ako.
Nagtataka akong tumingin kay Mama at naghintay ng sagot mula sa kaniya.
"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ni Mama sa lalaking nasa harapan ko.
"You look like me," sabi ng lalaki at hinawakan ang pisngi ko. "You are my daughter."
"Paano mo nalaman na...?"
"I just got your address recently, hinanap kita sa kung saan kasi nag-aalala ako sa 'yo."
"Na dapat hindi mo ginawa!"
Hinawakan na ako ni Mama sa kamay at marahan na hinila paalis pero sumunod pa rin ang lalaki.
"Hindi ako lumapit para guluhin kayo Lina, gusto ko lang makilala ang anak natin at hindi mo pwede siyang itanggi na anak ko kasi kuhang-kuha niya ang mukha ko."
Tumigil si Mama sa paglalakad at huminga ng malalim saka humarap sa gawi ng lalaki.
"Huwag tayo dito mag-usap," bulong ni Mama at naglakad ulit habang hawak-hawak ang kamay ko.
Naglakad nang naglakad kami hanggang sa pumasok kami sa isang fastfood chain. Pinili ni Mama maupo sa pinakagilid at malayo sa ibang costumer na nandito.
Kumunot ang noo ko nang hindi ko na makita ang lalaki.
"Asan na po siya, Mama?" tanong ko.
Gano'n din ang ekspresyon ni Mama at parehas kaming nagtataka.
Napatingin ako nang biglang may nagdala ng mga pagkain sa table namin, as in marami kaso hindi naman nag-order si Mama, e.
Pagkaalis ng mga crew na nagdala ng mga pagkain ay siyang paglitaw ulit ng lalaki kanina.
BINABASA MO ANG
Owning What's Mine (COMPLETED)
Genel Kurgu"I just want to feel love but everyone see me as a crazy bitch who always wants an attention. Kailan kaya ako magiging kamahal-mahal? Kailangan kaya mapapasaakin ang dapat sa akin?" -Maria Clara Vinzella (The Protagonist but Villain of her story)