C-05: Scared to be Alone

146 9 0
                                    

"Hoy! Kanina pa kita tinatawag!"

Napatingin naman ako sa kaibigan ko na nakahawak na sa balikat ko.

"What? What do you need?" iritadong tanong ko at inalis ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko.

"Pinapatawag ka sa faculty room," sagot niya na sinilip pa ang ginagawa ko. "Chill ka lang ha, mukhang mainit na naman ulo mo, dinamay mo pa yung lapis."

Sa sinabi niyang iyon ay napatingin ako sa hawak kong putol na lapis, hindi ko namalayan na naputol na pala ito.

"Sabihan mo na lang si ma'am pag hinanap ako," utos ko at tumayo na at nagsimulang maglakad papunta sa faculty room.

Pagkarating na pagkarating ko roon ay naabutan ko ang adviser ng SSG na kausap ang isang pamilyar na babae.

"Ahem! Pinapatawag mo raw po ako, Ma'am Julian," pagkuha ko sa atensyon nila.

"Oh! Good to know that you already here," bungad ni ma'am.

"Why did you call me po?" magalang na tanong ko.

"Gusto kong i-appoint si Angela as our new secretary. Lumipat 'di ba si Ella ng school kaya vacant ang position ng secretary sa SSG ngayon so I want to fill in Angela; ang talented ng batang ito at overqualified pa," mahabang sagot ni Ma'am Julian.

"Grabe naman po sa overqualified!" pagbibiro ni Angela at nakipagtawanan pa.

"But, SSG members should talk about it first, kapag lahat ay sumang-ayon na i-appoint siya ay saka lang officially magiging secretary siya," sabi ko at pekeng ngumiti.

"Gano'n ba? Anyway, we must held a meeting ASAP, kawalan sa atin kapag hindi kinuha si Angela and beside she's your sister."

Gusto ko sana sagutin si ma'am na hindi ko kapatid si Angela pero pinanatili ko na lang na tikom ang bibig ko at ngumiti pero isa itong pekeng ngiti.

"Okay, ma'am," sagot ko at ginawa ang utos niya.

I texted the other SSG officials and after few minutes, they come.

Nagsimula na kami sa agenda at mukhang lahat ay nagustuhan si Angela kaya majority wins, opisyal ng kabilang ng SSG officials si Angela bilang SSG secretary.

In that time passed, I wear my fake smile and sparkling eyes, so they can tell that I am so pleasant to have Angela in SSG officials but different to what I am feeling now. Mas nag-iinit ang ulo ko at parang gusto kong makasampal ng malakas.

"Clara, wait!" It's Angela.

"Bakit? Ano bang kailangan mo?!" singhal ko at nag-krus pa ng mga braso.

"Mukhang galit ka kasi. Ayaw mo ba akong maging parte ng SSG officials?" malungkot na tanong niya.

Inikot ko ang mga mata ko. "Obvious ba? Pagkausap mo nga lang sa akin ay naiinis na ako," malditang sagot ko.

"Sorry... Sasabihin ko na lang si Ma'am Julian na hindi ko tatanggapin ang secretary position."

"Para ano? Sabihin na ayaw ko sa 'yo?" nakataas kilay na tanong ko.

Owning What's Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon