C-21: It's Okay

123 9 3
                                    

Hindi nagtagal ay nagsigising na ang tatlong tulog pa. Sabay-sabay kaming nag-breakfast at saka nagkuwentuhan na puro tungkol sa kamanyakan ni Avin sa boyfriend niya.

"Akalain mo 'yon, seryuso pala sa 'yo si Avin. Akala ko naglalaro lang ulit siya," sabi ko kay Vin na nahihiya namang napayuko.

"Hoy! Ang hirap kaya higilapin ang lalaking ito, palaging nagtatago sa akin! Akala mo naman ang guwapo niya!" anang Avin.

"N-nahihiya kasi ako sa 'yo, S-Sav. You're famous then suddenly you approach me..." pagdahilan ni Vin na kumamot pa sa ulo niya.

"You caught my attention kasi tapos masyado kang hard to get na guy, so challenging! Alam niyo bang officially naging kami noong end ng senior high school! Tapos ako pa ang mismong nanligaw sa kaniya!"

"Avin..." pagpapatigil sa kaniya ng nahihiyang si Vin.

"Totoo naman, 'di ba?! Pakipot ka pa e, sa akin ka lang naman babagsak!"

Naiiling na lang ako sa pinag-uusapan nila. Bumaling ako sa dagat kung saan makikita ang mga alon. Ang kalmado ng alon na para bang dinuduyan ka sa tunog at bawat paghampas ng mga ito sa buhangin.

May mga ibon ding lumilipad sa kalangitan na para bang naglalaro ng habulan. Naalala ko dati na sa mga oras na ito ay pinapasyal ako ni Mommy at hinahayaang yakapin ako ng kalikasan, she want me to be connected with nature especially in animals.

Masaya kami dati kahit hindi kasama si Papa pero ngayon ang hirap ng maging masaya. Ang hirap tanggapin ang sitwasyon ko ngayon. Ang hirap maging okay.

"Clara, let's talk," biglang usal ni Haru na kinatingin ko naman sa kaniya. Actually, lahat ay napatingin sa kaniya.

"Nakakagulat ka naman Haru! Ano 'yang "let's talk' na 'yan?!" tanong ni Avin na nakangisi.

Kumunot ang noo ni Haru na tumingin sa kaniya bago tumingin ulit sa akin.

"Clara," tawag niya ulit sa akin.

"Okay?"

Tumayo na siya at naglakad papalayo kaya sumunod naman ako hanggang sa makalapit na kami sa dalampasigan na naabot ng mga alon ng dagat. Binitbit ko ang suot kong tsinelas at hinayaang mabasa ang mga paa ko.

"You're not mentally prepared," biglang usal niya habang nakatalikod pa rin sa akin.

"Huh?"

Humarap siya sa akin at tiningnan ako ng seryoso.

"Hindi mo kakayanin..." aniya pa at bumuntonghininga.

"Ano ba pinagsasabi mo d'yan?" nagtatakang tanong ko ulit.

Umiling siya at saka nagpatuloy pa rin sa paglalakad habang nakatingin sa dagat.

"Sometimes, I want to run away from my responsibilities. It's too hard to be the eldest son because of a lot of responsibilities that I should take care on. Ang hirap din na makita ang kapatid mo na nahihirapan." Tumigil siya sa pagsasalita at tumingin ulit sa akin. His kinda long hair is swaying by the wind.

"Alam kong hindi mo maintindihan ang sinasabi ko sa 'yo at wala rin akong maibibigay na sagot ngayon sa mga katanungan na umiikot sa isip mo. But I just want to tell you that I will never be your enemy but I can be the villain, I'll follow you but I can still stop you. Clara... I want you to be tough as rock, you must be."

"I don't really understand what are you talking about but, I'm glad that you will stay by my side. Kayo na lang ni Mizzy at Avin ang meron ako ngayon. I feel alone all the time, Haru, kaya pakiusap, huwag pati kayo ay iparamdam sa akin na hindi na niyo ako kailangan sa mga buhay ninyo."

Owning What's Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon