I failed to stop my feelings, I break my promise to my sister.
"Oh! 'Di ba, ang saya sa feeling? Bakit mo pa kasi pinipigilan ang nararamdaman mo, e, mutual feelings naman kayo," lintyana ni Vhal na nakasimangot pa.
Nag-iinit ang pisngi ko nang matanggap ko ang rosas na binigay ni Ked pagkarating na pagkarating namin sa venue ng graduation namin.
"Vhal... Alam mo ang dahilan 'di ba?" wika ko at bumuntong-hininga.
"Oo na, mahal na mahal mo ang kapatid mo," she said like she was mocking me saying those words.
Mayamaya ay magsisimula na ang graduation namin at ang buong pamilya ko ay nandito lalong-lalo na si Clara.
Nagtagal din ng ilang oras kami sa event hall bago tuluyan nabigay ang diploma sa amin.
Agad akong tumakbo palapit kay Papa at yinakap siya maging kay Mama rin.
"I'm so proud of you, anak!" maluha-luhang sabi ni Mama.
"I am proud of you," bulong naman sa akin ni Papa at hinalikan ako sa noo.
"Congratulations!" bati ni Clara na medyo malayo sa gawi naming tatlo.
"Halika dito, Clara. Let's have family hug!" aya ko sa kapatid ko na noong una ay nahihiya pang lumapit pero ako na mismo ang lumapit at hinila siya palapit sa amin at saka nagyakapan kami.
"Hello! I'm sorry, I'm late! Galing pa kasi ako sa Australia," usal ni Mamita na mukhang galing pa talaga sa ibang bansa base sa suot niyang damit.
"Mamita! Mabuti naman po at nakahabol kayo!" Masaya ko siyang yinakap.
Hinaplos-haplos ni Mamita ang buhok ko at saka hinalikan ako sa pisngi.
"Of course! Hindi ako mawawala sa mahalagang okasyon ng isa sa mga magaganda kong apo!"
Ngumiti ulit ako.
"Iha!" Matinis ngunit malambing na boses.
"Tita Kelra..."
Tumatakbo palapit sa akin si Tita Kelra habang nasa likuran niya si Tito at Kedric. Nang makalapit na si Tita Kelra ay agad niya akong yinakap at hinalikan sa pisngi.
"Oh my gosh! I'm so proud of you iha!" aniya na kita ang saya sa ekspresyon niya.
"Salamat po, Tita!" nahihiya pero masayang tugon ko.
"I think, someone wants to talk with you," bulong ni Tita at sumulyap sa anak niyang may kung anong hawak na nakatago sa likuran niya.
Tumabi na si Tita at medyo lumayo para bigyan ng espasyo ako at ang lalaking nasa harapan ko.
Naglalakad na siya palapit sa akin hanggang sa tumigil siya.
"Congratulations!" nakangiting bati niya at nilabas ang isang stuff toys.
"K-Kedric..."
"May I know your answer? You promised, remember?"
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Talagang seryoso at determinado siyang malaman ang sagot ko.
"Pinapayagan na kitang ligawan ako," tugon ko habang nakangiti pa rin.
"Y-you mean... I can court you now?!"
Tumango ako bilang sagot kaya napasuntok naman siya sa ere sa saya.
"Thank you!" masaya niyang usal at para bang gusto akong yakapin pero pinipigilan niya ulit ang sarili.
Masayang-masaya ako ngayon pero sa kabilang banda ay nag-aalala ako para sa nararamdaman ng kapatid ko.
Clara's Point Of View
![](https://img.wattpad.com/cover/312820416-288-k419964.jpg)
BINABASA MO ANG
Owning What's Mine (COMPLETED)
General Fiction"I just want to feel love but everyone see me as a crazy bitch who always wants an attention. Kailan kaya ako magiging kamahal-mahal? Kailangan kaya mapapasaakin ang dapat sa akin?" -Maria Clara Vinzella (The Protagonist but Villain of her story)