Maria Clara Vinzella's Point Of View
Para bang dinudurog ang puso ko habang nakatingin sa puntod ng Mommy ko. Ramdam ko ang pagod, antok, at kirot ng puso ko pero para bang namamanhid na ako, wala nang mga luhang lumalabas sa mga mata ko.
Nilalamig na rin ako dahil basang-basa na ako dulot ng walang tigil na pagbuhos ng ulan na para bang nakikiramay sa nararamdaman ko ngayon.
"Kailangan mo nang umuwi," wika ng isang pamilyar na boses.
Hindi na ako nag-abalang tingnan ito dahil presensya niya pa lang ay kilala ko na.
"Just leave me alone, Ked," tugon ko habang nakatingin pa rin sa puntod ng mommy ko.
Yakap-yakap ko ang isang picture frame na may litrato ng nanay ko nang malusog pa siya at napakaganda. Hindi naman nawala ang ganda ni Mommy, sadyang nanghina at namayat lang siya dahil sa sakit niya.
"Pinapasama ka na ni Mom sa akin," aniya, na hinawakan ako sa wrist ko pero itinulak ko naman siya at tinago ang kamay ko dahil nanginginig na iyon.
"Kaya kong umuwi, Ked. Kaya ko," seryosong sabi ko at tumingin ulit sa puntod ni Mommy.
"I love you, Mommy," huling salitang binitawan ko bago tinalikuran ang puntod niya at naglakad papalayo.
I was merely 16 years old when my mother passed away due to cancer, and that time, I felt like I was already alone in a dark hallway without a glimpse of light.
***
"Ang maganda kong apo!" bungad ni Mamita, ang lola ko sa father's side.
"Mamita!" Agad akong lumapit sa kaniya, nagmano, at saka yumakap.
"I heard what happened to Marie. I'm sorry hindi ako umabot sa burol niya," paghingi niya ng tawad at hinaplos ang buhok ko.
It's been 5 months since mailibing si Mommy, and I'm still recovering, or not.
"It's okay, Mamita. I understand that you're busy," nakangiti kong tugon.
"No, I should have canceled my business trip para naman nadamayan kita," naguguilty na sabi ulit ni Mamita.
"Okay lang po, andyan naman sila Tita Kelra," tugon ko, pertaining to Ked's mother, who is my Mommy's best friend.
"How about your father?"
Napatingin naman ako sa sahig nang banggitin niya ang butihin kong tatay.
"He was also on a business trip when Mommy died," sagot ko at huminga ng malalim.
"Hay naku, iyang Papa mo talaga! Malalagot talaga siya sa akin!" singhal ni Mamita na batid ang galit sa ekspresyon niya.
"It's okay, Mamita. Sanay naman po ako, we're not his first priority," may bahid ng sama ng loob na sabi ko.
Ngumiti rin ako ng peke at nagpaalam na magpapalit na ng pambahay na kasuotan. Galing kasi ako sa school kaya naka-uniform pa rin ako.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nagpalit ako ng isang plain t-shirt at jogging pants at binuksan ang laptop ko para tingnan ang page ng school namin kung saan ako palaging featured. Napangiti ako roon.
BINABASA MO ANG
Owning What's Mine (COMPLETED)
Ficción General"I just want to feel love but everyone see me as a crazy bitch who always wants an attention. Kailan kaya ako magiging kamahal-mahal? Kailangan kaya mapapasaakin ang dapat sa akin?" -Maria Clara Vinzella (The Protagonist but Villain of her story)