Angela's Point of View
"Ano?! Saan siya nagpunta?!" gulat na tanong ko.
Kauuwi ko pa lang galing sa trabaho at excited ako sa mga dala kong damit para kay Clara pero nawawala na naman daw ito. Actually, may letter siyang iniwan pero walang eksaktong lugar na binanggit kung saan siya pupunta.
"I miss, Ate Clara!" umiiyak na usal ni Clarence.
"What happened kaya? Akala ko okay na tayo?"
"Hindi ko rin maintindihan, anak. Ang sabi niya kasi sa sulat ay hindi na siya babalik..." anang Papa.
"Hahanapin ko siya, Pa! Gagawin ko ang lahat para mahanap siya," determinadong wika ko.
Noon ay wala akong lakas na loob na hanapin siya dahil may napakalaking kasalanan akong nagawa pero dahil napatawad at maayos na ang relasyon namin bilang magkapatid ay may rason at lakas na ng loob akong hanapin siya.
Hindi ko hahayaan na mawala ka ulit sa amin, Clara.
Nag-hire ako ng private investigator para hanapin at i-trace ang kinaroroonan ng kapatid ko pero masyado itong nahirapan dahil wala ni-isang clue man lang siya na nahanap.
It's been a half of month since my sister disappear. Wala pa rin akong makuhang balita kung nasan na siya.
I'm so worried.
"Ma'am, napapansin niyo po ba iyong lalaking palaging nakabuntot sa 'yo?" tanong ng secretary ko.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Lalaking laging nakabuntot?"
"Hala! Hindi niyo po ba napapansin? Akala ko nga noong una ay body guard niyo siya, e! Kaso ang weird niya," gulat na sagot niya na idinikit pa ang kamay sa may labi niya.
"No, I don't have a bodyguard..."
"Oh my gosh! Baka po stalker niyo!" Mukhang natakot ito sa binitawan niyang mga salita, gano'n din ang nararamdaman ko ngayon.
"I don't know... I've been busy these days."
"I-report mo na po ma'am," suhestiyon ng secretary ko na sinang-ayunan ko naman.
Tinapos ko muna ang trabaho ko para sa araw na ito, sinilip ko bahagya sa window ang sinasabi ng secretary ko at mayroon ngang weirdo na lalaki roon. Medyo natakot nga ako nang magkasalubong ang mga mata namin.
Dali-dali kong inayos ang gamit ko at tinawagan ang isa sa mga security guard na puntahan ako rito sa office para sunduin at samahan papunta sa kotse ko.
Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa imbis security guard ang dumating ay ang weirdo na lalaking na nakasuot ng itim.
Agad akong tumakbo palabas, ramdam kong sinusundan niya ako kaya dali-dali kong pinindot ang elevator para bumukas hanggang sa bumukas na nga ito. Pumasok agad ako at sinarado ang pintuan ng elevator, ang lakas na ng tibok ng puso ko nang makitang papalapit na siya pero sumarado na ang pinto ng elevator kaya napabuntonghininga ako.
"Is he chasing you?"
Gulat akong napatingin sa nasa likuran ko, bahagya pa nga akong napatalon dahil sa gulat kasi akala ko mag-isa lang ako rito sa loob ng elevator.
"What are you doing here?" nagtatakang tanong ko.
"To get you," sagot niya sabay ng paglapit at paglagay ng panyo sa ilong at bibig ko.
Why did he do this?!
Lina's Point Of View
Nagulat kami sa biglaang pag-alis ni Clara. Akala namin magiging okay na ang lahat, magiging masaya na ang pamilya namin pero umalis ulit siya sa hindi ko malamang dahilan.
BINABASA MO ANG
Owning What's Mine (COMPLETED)
General Fiction"I just want to feel love but everyone see me as a crazy bitch who always wants an attention. Kailan kaya ako magiging kamahal-mahal? Kailangan kaya mapapasaakin ang dapat sa akin?" -Maria Clara Vinzella (The Protagonist but Villain of her story)