Mizzy's Point Of View
"Sana naman may anti-rabies na tinusok kay Clara," pagbibiro ni Avin habang nakatingin sa nakasaradong pintuan ng office ni Boss.
"Sira ka talaga!" natatawang usal ko.
"Anyway, may beauty care appointment pa ako, pasabi na lang kay Clara na umalis na ako. Bye!" paalam niya at naglakad na palayo.
Sa pag-alis ni Avin ay ang siyang pagsalubong ng mga mata namin ni Kuya Haru.
"We are running out of time," usal niya habang seryuso na nakatingin sa akin.
"She's pregnant, this is dangerous for her and her baby," nag-aalalang tugon ko.
"Then, what? Anong gagawin natin? Otosan, will surely punish us at this moment. He will really be upset," wika ulit ng kapatid ko dahilan para makaramdam ako ng kaba at takot.
"But we can't drag her away!" pakikipagtalo ko.
"I know, I also care about her condition but Yuta will soon approach her and they might do something. Pagdating ng oras na iyon, siguradong wala tayong magagawa," nag-aalala at seryusong wika ulit ni Kuya Haru.
"She's my friend, Kuya Haru. Kung wala kang magagawa pagdumating ang oras na iyon puwes ako meron, poprotektahan ko siya sa abot ng aking makakaya. I'm no longer that fragile little girl--- I'm not weak anymore, niisan."
"Sora..."
Pagkabitiw ng mga salitang iyon ay naglakad na ako pabalik sa aking work place sa loob ng kompanya ng mga Villareal.
Clara is so special to me, she teach me how to voice out my opinions and fight my insecurities.
Hindi ko pa nagagawa sa harapan ni Otosan pero darating ang oras na hindi na si Sora na anak niya ang makikita niya kundi si Mizzy na isang malakas at may paninindigan na babae.
I'm a woman now, I'm no longer that little girl they know.
***
"Parang ang bilis naman lumaki ng tyan mo, Boss?" nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa kaniya na may weird na kinakain.
"Ewan ko rin, siguro malaki ang baby ko," tugon niya at hinimas ang tyan niya.
"Sa tingin mo, anong gender?" tanong ko ulit.
"Feeling ko, lalaki ang baby ko," nakangiting sagot niya at patuloy pa rin na hinihimas ang tyan.
"Ilang months na pala siya, Boss?"
"14 weeks, so it means 3 months and a half na ang baby ko."
"How about your husband, okay na ba kayo?" nag-aalalang tanong ko.
Nawala ang ngiti sa kaniyang labi.
"We still don't talk too much," aniya at pilit na ngumiti.
"Clara, if I asked you to run away... Would you like to come with me?" tanong ko at bumuntonghininga.
"Bakit kailangan nating lumayo?" nagtataka niyang tanong.
Umiling na lang ako bilang tugon saka ngumiti. "Don't worry, Boss! Magiging mabuti akong tita sa magiging baby mo, I will spoiled him or her! I will love your baby like my own!"
Siguro dahil sa pagbubuntis ay agad na tumulo ang mga luha na namuo sa kaniyang mga mata.
"Why are you crying?" nagtatakang tanong ni Kuya Haru na ka-uupo pa lang sa vacant chair.
Nandito kami ngayon sa food cafeteria dahil na rin sa kahilingan ni Clara.
"It's just my hormones," sagot ni Boss na patuloy pa rin sa pag-iyak kaya inabutan ko na siya ng tissue.
![](https://img.wattpad.com/cover/312820416-288-k419964.jpg)
BINABASA MO ANG
Owning What's Mine (COMPLETED)
Algemene fictie"I just want to feel love but everyone see me as a crazy bitch who always wants an attention. Kailan kaya ako magiging kamahal-mahal? Kailangan kaya mapapasaakin ang dapat sa akin?" -Maria Clara Vinzella (The Protagonist but Villain of her story)