"You're here... Kailan ka pa dumating dito?" mahinhin na tanong ni Angela.
"Don't ever tell Papa that I'm here," pagbabanta ko at hindi sinagot ang tanong niya.
"Pero... Kasi..."
"Huwag mo akong galitin, Angela! And please, stay away from Ked!" iritadong bulong ko.
"Ked is here?"
I give her a warned and deadly stare.
Nanginginig na naman ang mga kamay ko. I'm anxious. Maaaring makita siya ni Ked at pag nangyari iyon baka hindi na pansinin nito ang presensya ko.
"What the hell, Clara? Where did you go? Bigla ka na lang nawala sa likuran ko!" singhal ni Ked nang makita ako.
"D'yan l-lang sa t-tabi, nakaamoy kasi ako ng masarap na nilulutong pagkain," sagot ko at pilit na ngumiti.
"Ang takaw mo talaga sa pagkain," komento niya at hinila na ako papunta sa unahan niya at hinawakan sa magkabilang balikat na para bang tinutulak.
"Ked, uwi na tayo bukas," biglang wika ko.
"Huh? Why? I thought we will stay here for one day and we will travel back on Saturday?" nagtatakang tanong niya na tumigil pa sa paglalakad at pinaharap ako sa kaniya.
"Wala lang... Na-miss ko ng mag-aral," pagrarason ko habang nakatingin sa mga daliri ko.
"Why so anxious, Clara?"
Tiningala ko siya kaya nakita ko ang nagtatakang ekspresyon niya sa mukha.
"Wala naman akong ginawa... I'm just... tired," sagot ko at bumuntonghininga.
"That's suspicious. Anyway, let's eat a dinner first, then after, you can take a rest to your room."
Nakangiti naman akong tumango.
As usual, nilibre niya na naman ako. Sugar daddy ko na talaga si Ked.
"Maganda ba ako?" tanong ko habang kumakain kami.
"What's with that question?" medyo natatawang tanong niya.
"Am I pretty?" tanong ko ulit.
Tumigil naman siya sa pagsubo ng pagkain at uminom ng tubig at saka nag-cross arms. Pinaliit niya ang mga mata niyang nakatingin sa akin na para bang sinusuri ang mukha ko.
"You're pretty," sagot niya kinalaunan at nagpatuloy sa pagkain.
"Bakit ako maganda?" tanong ko ulit na hindi ko naman maintindihan ang sarili ko kung bakit ko tinanong iyon.
"Because of your genes from your parents," simpleng sagot niya.
"Nagagandahan ka ba talaga sa akin?"
"Ano bang klaseng tanong 'yan? Okay ka lang ba?" medyo natatawa at nagtatakang tanong niya ulit.
Hindi ako umimik at naghintay ng isasagot niya.
"Okay! You're pretty! Nagagandahan ako sa 'yo kasi maganda ka naman talaga. That's the fact about you."
Pilit akong ngumiti. Hindi ko malaman kung bakit ganito ang nararamdaman ko imbis kiligin at maging masaya ay kirot ng puso ko ang nangingibabaw.
Tumahimik ulit ako at pinanuod na lang siyang kumain hanggang sa matapos.
"You're scaring me, Clara. Huwag mo namang ipahalata na gustong-gusto mo ako," aniya at pinitik pa ang noo ko.
"But, that's the truth, I really like you," sabi ko naman at hinimas ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Owning What's Mine (COMPLETED)
Ficción General"I just want to feel love but everyone see me as a crazy bitch who always wants an attention. Kailan kaya ako magiging kamahal-mahal? Kailangan kaya mapapasaakin ang dapat sa akin?" -Maria Clara Vinzella (The Protagonist but Villain of her story)