C-03: Toxic Traits

179 8 0
                                    

As usual, I am grounded. I can't go without the permission of my father, and I can't sneak out because my father has strictly ordered his bodyguards to keep an eye on me while he is away.

As if, may balak talaga akong umalis sa bahay, si Avin lang naman ang nakaka-aya sa akin na gumala dahil siya lang ang kayang mag-handle ng kamalditahan ko.

"Uhm, Clara. Pinadala ni Mama, hindi ka pa raw kasi kumakain, 'di ka rin sumabay sa amin sa hapunan," pambubungad ni Angela.

It's Sunday today and tomorrow is another hell day for students that hate studying.

"Hindi ko kailangan ng pagkain ng Mama mo," tugon ko at pinagpatuloy ang pagtitipa sa keyboard ng computer ko sa loob ng kwarto ko.

"Nag-aalala lang naman kami sa kalusugan mo," aniya pa habang nakatayo pa rin sa pintuan at hawak-hawak ang tray na maraming pagkain na nakapatong.

"Hindi ako magiging pekeng tao para tratuhin ang mama mo ng maayos. Hindi ko siya gusto pati ikaw kaya pwede ba, huwag niyo na akong kulitin sa buhay ko. Ayaw ko rin sa lahat iyong pinagsisiksikan ang sarili nila sa akin."

Napalunok naman siya ng ilang beses.

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Clara. Iintindihin namin iyon ni Mama," nakangiting sabi niya at iniwan ang tray na dala niya sa lamesa ko at naglakad paalis.

Kinuyom ko ang mga kamay ko habang nakatingin sa mga pagkain na inihanda para sa akin ng stepmother ko.

"As if, you can make me fall into your traps," wika ko at kinuha ang mga iyon at nilagay sa plastic at tinapon sa basurahan sa loob ng kwarto ko.

Hindi ako mahuhulog sa bitag niyo na pagiging mabait na pagturing sa akin. Gagawin ko ang lahat para maipakita ang tunay niyong pag-uugali.

Tsk!

Hours passed until I felt the hunger that's why I walked down the stairs and went straight to the kitchen. Kumain ako ng pagkain na meron doon at saka bumalik ulit sa kwarto.

Humarap ulit ako sa computer ko at pinagpatuloy ang binabasa kong mga articles that are mostly about laws.

Nang makita ko ang oras ay saka ko lang napagpasyahan na matulog na.

Kinuha ko ang bottle na may lamang mga gamot at ininom ang isa sa mga capsule. I have insomnia and sleeping peacefully is the hardest thing for me to do. I've been battling it for months since my mother died.

***

Another day and another annoying people are smiling in front of me except my father and Mamita. Well, Mamita is smiling cheerfully at me while father is with his usual serious face expression.

"Clara, it's your sister's first day at your school, kindly help her to adjust," bungad ni Papa sa hapag-kainan.

"What?! You mean, she will transfer to my school?!"

Humigop siya ng kape at tumingin sa akin. "Yes, so better take care of your sister or I will never let you go outside again."

Here he is, blackmailing me again.

Hindi na ako umimik at kumain na lang ng almusal habang masaya silang nag-uusap especially si Angela na excited sa bagong school na papasukan niya.

"I'll go," paalam ko at lumapit kay Mamita at humalik sa pisngi at saka kinuha ang gamit ko.

"Wait! Hintayin mo ako, Clara," wika ng anak sa labas ni Papa.

Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad papunta sa kotse na maghahatid sa akin. Binuksan ko ang pintuan sa may backseat at pumasok doon at maya-maya sumakay na rin ang magaling na anak ng tatay ko sa babae niya.

Owning What's Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon