Nakangisi na silang naglalakad palapit sa gawi namin. Pumunta naman sa harapan naming mga babae si Haru na halatang nakaalerto sa posibleng pagsugod naman ng mga lalaki.
"They are too many," bulong ni Mizzy.
"I'm sorry, kasalanan ko 'to," paghingi ng tawad ni Vin.
"We have no time for that, maging alerto kayo at umiwas sa posibleng pag-atake nila kasi tiyak na mababalian kayo ng mga buto kapag hindi kayo umiwas," sabi ko.
"Ang tapang mo naman pre! Gusto mo talagang maging hero, 'no?!" anang lalaki at iwinasiwas ang baseball bat na hawak niya.
Lahat kami ay napaatras at kung natamaan man ang isa sa amin ay siguro ay namimilipit na ng sakit ito.
Ngumisi ulit ang lalaki at sinenyasan ang mga kasama niya na sumugod.
Hahawakan sana ng ilan sa mga ito si Avin kaso nasipa ko kaagad sila kaya napaatras ang mga gago.
"Mizzy, tumakbo ka na para humingi ulit ng tulong," bulong ko kay Mizzy na agad namang tumango.
Maliit kasi siya kaya hindi mahahalata ang biglaang pag-alis niya sa likuran namin at pagtakbo.
"Avin, you are red belt na 'di ba?" I asked her, pertaining to her belt in Taekwondo.
"Yes," sagot niya at tumango pa.
"Then, protect your boyfriend," wika ko ulit at sinipa sa mukha ang susugod sana sa akin.
Hindi na ako nag-inarte na kung baka masilipan ako dahil may suot naman akong fitted black short. Well, medyo hindi maganda tingnan na sumisipa ako dahil sa nakapalda ako pero walang oras para ma-concious kasi baka matamaan ako ng paghampas ng mga baseball bat ng mga gagong 'to.
"Duck your head," utos ni Haru na sinunod ko naman.
Kung hindi ako yumuko siguradong nahimatay na ako dahil sa pagtama ng baseball bat.
Hinuli ni Haru ang kamay ng lalaki at puwersang ipinabitiw ang pagkakahawak sa baseball bat sa pamamagitan ng pagbali ng mga buto sa kamay ng kalaban niya.
I even kicked this guy to his chest. Napaatras pa nga ang g*go.
Nagkatinginan kami ni Haru at sabay na tumango. He carries me, I put force in my feet, so I can hardly kick those jerks who will attack us. Pagkasipa ko ay siyang pagsipa rin niya na dumiin sa likuran ko para magkaroon ng malakas na puwersa siya.
We fight with each other with the techniques of self-defense that has been taught us.
Ngunit parang walang kapagod-pagod ang mga kalaban namin at muntik na sana akong masuntok na hindi ko agad napormahan para umiwas pero pinagpapasalamat ko na may sumalo ng kamao niya sabay pilipit patalikod at sinuntok ito sa mukha dahilan para mawalan ng malay.
As much as possible ay hindi namin sila pinapatamaan sa fatal area kasi baka mamatay pa sila.
"What's with this?! Anong kaguluhan ang pinasok niyo?!" inis na tanong ni Ked na nasa harapan ko at hindi hinahayaang may makalapit sa akin.
"Sila ang nagsimula!" tugon ko.
"Tsk!"
Patuloy pa rin siya sa pagdepensa at hindi hinahayaang may makalusot na atake sa akin habang si Haru naman ay nasa may hindi kalayuan at tinutulungan si Avin na medyo nahihirapan dahil na rin sa pinoprotektahan niya ang kaniyang sarili at pati ang lampa niyang boyfriend.
Hindi ko aakalain na mangyayari pa 'to sa college life ko instead highschool.
"Hoy! Magsitigil kayo!" sigaw ng mga guards na patakbo palapit sa amin. Nasa likuran nila si Mizzy.

BINABASA MO ANG
Owning What's Mine (COMPLETED)
Ficción General"I just want to feel love but everyone see me as a crazy bitch who always wants an attention. Kailan kaya ako magiging kamahal-mahal? Kailangan kaya mapapasaakin ang dapat sa akin?" -Maria Clara Vinzella (The Protagonist but Villain of her story)