I travelled around the world, kahit saang bansa ako nakapunta. I deserve a long vacation at saka tiwala naman ako kay Haru at Mizzy na siyang nag-aasikaso ng organisasyon.
Nang malaman nga ni Ate Angela at Tita Lina ang katotohanan na iisa lang ang ama nila ni Mommy at si Tita Lina ay ginustong saluhin ni Angela ang posisyon ko dahil naawa ito sa akin at para magkaroon daw kami ng kalayaan ni Rojan, pero tumanggi ako.
Ayaw ko ng maranasan niya ang mga masama at mahirap na dinanas ko sa organisasyon na unti-unting ko nang binabago, we're still assassins, still illegal, but it's not that brutal before.
"How's your day, my lady?" pabirong tanong ni Haru nang sunduin niya ako sa airport pabalik sa Pilipinas.
It's been a year and I think, I'm ready to go back home.
"Shut up, Haru!" pabirong tugon ko na para bang kinikilig na teenager na inilagay pa ang ilang hibla ng buhok sa tenga.
Maikli na ang gupit ng buhok ko at binalik ko na ulit ito sa natural na kulay pati ang paggiging tuwid nito. After all, walang anong bagay na pag inilagay o tinabi sa akin ay nagiging dahilan para pumangit ako, I am always stunning.
"How's my little boy?" tanong ko habang nasa byahe na kami.
"Doing good, most of them are having a hard time talking with him and he still makes Nadia cry," detalyadong sagot ni Haru na bumuntonghininga.
Bumuntonghininga rin ako sa narinig kong iyon. Hindi ko talaga malaman kung bakit ganoon ang pakikitungo niya kay Nadia, palagi nitong binabara si Nadia tuwing tatawagin siyang 'kuya' o kundi pag tinatawag akong 'mama'.
"I should correct his actions and words towards Nadia," sabi ko habang hinihilot ang sintido.
Mahigit isang taon nang pinutol ko ang koneksyon ko sa kanila lalong-lalo na kay Ked at Rojan pero syempre may balita pa rin na nakararating sa akin kung anong nangyayari sa mga buhay nila. Of course, I am Clara!
Hindi nagtagal ay tumigil na ang van na sinasakyan ko at pinagbuksan ako ng pinto ni Haru, at saka bumungad sa akin ang pamilyar na bahay na matagal ko nang hindi napupuntahan.
It is our house that should he lived with my sister, not me.
Argh! Am I still bitter?
"Welcome back to your home!" nakangisi niyang bulong na kinasama ko naman ng tingin sa kaniya.
Palagi na lang akong inaasar ng lalaking ito, a! Kung saksakin ko kaya siya ng kutsilyo sa leeg niya?!
Huminga ako ng malalim at naglakad palapit sa gate at saka nag-door bell. Mayamaya ay bumukas ang gate at bumungad ang mukha ni Rojan at nasa likuran niya si Nadia na nakahawak sa laylayan ng damit niya.
"Mom, help me to get out of here," pagmamakaawa ni Rojan na mukhang takot na takot na dumikit at kausapin siya ni Nadia.
"Clara!" Nagulat ako nang biglang yumakap si Ked na kakalabas pa lang ng pintuan ng bahay.
"H-hi?" awkward kong bati sa kanila.
Narinig ko naman ang nagpipigil na tawa ni Haru na tiningnan ko naman ng masama. May karga siya ngayon na baby.
"Who's that baby?" nagtatakang tanong ni Ked habang nakatingin sa baby na karga ni Haru.
"You f*cked me again, remember? Wala ka ngang sinuot na proteksyon," tugon ko at kinarga ang baby boy namin.
"Mom, I heard it," anang Rojan na tinatakpan ang tenga ni Nadia.
"Oh! I forgot, you're a kid pa pala not an old man. My bad," sagot ko.
Natawa na naman si Haru na para bang hindi masanay-sanay sa bunganga ko.
"Congrats! Job well done, Mr. Villareal!" bati ni Haru na nginisihan pa siya.
"Is he really? Our baby boy again?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ked na kinuha sa akin ang baby.
"Look at his face, you'll confirm it," sagot ko at ngumiti.
Ngumiti si Ked. "He looks like me, another little me."
Bahagyang umubo si Haru para kunin ang atensyon namin. "Magpapaalam na ako, I have a lot of things to do. Enjoy your vacation, Clara! We will wait for you," aniya.
Ngumiti ako. "Thank you!"
Tumango si Haru bago tinalikuran ako at pumasok sa kotse niya at saka minaneho.
"What is his name?"
"Wala pa siyang permanent na name... Ikaw, decide to his name," tugon ko.
"Caoimhe Clark Vinzella-Villareal-Aoki," bigkas niya sa pangalan at hinalikan sa noo ang natutulog naming baby.
"No, he is Caoimhe Clark Vinzella-Villareal same to Kibou Rojan Vinzella-Villareal," nakangiting pagtatama ko.
"But, I thought---"
"They are not part of the underground organization unless they are the one's who will claim their respective positions there."
Tumango siya at lumapit sa akin at saka hinalikan ako sa noo.
"We're still here, Mom and Dad," pagsabat ni Rojan na nakatakip na ang mga kamay sa mata ni Nadia na kanina ay nakatakip sa mga tenga nito.
"Gomenasai, Kibou-chan!"
"You need to fulfill your promise to me."
Kunot-noo akong tumingin kay Ked. "Yeah... So?"
"Marry me, I want you to walk at the aisle... I want us to face the altar and marry there."
Did he proposed to me again?
"And added to that, this house was sold today, and our house is waiting for us," dugtong pa nito.
"Ked..."
"Let's get started again, Clara. I know, it's not that good or normal starting for us but I want us to be family, a happy family."
Ramdam kong may namumuong luha sa gilid ng mga mata ko.
"Yes, we will. I love you Kedricson Villareal."
"I love you, Clara Vinzella-Villareal."
BINABASA MO ANG
Owning What's Mine (COMPLETED)
General Fiction"I just want to feel love but everyone see me as a crazy bitch who always wants an attention. Kailan kaya ako magiging kamahal-mahal? Kailangan kaya mapapasaakin ang dapat sa akin?" -Maria Clara Vinzella (The Protagonist but Villain of her story)