Nagtatago ako ngayon kasi galit na galit sa akin si Kuya Rojan dahil napunitan ko ng pahina yung paborito niyang libro.
"Come out, Nadia," mahinahon niyang wika na mukhang kumukulo na sa loob na mas kinakaba ko.
Nakakatakot talaga si Kuya Rojan paggalit!
"Nadia!" pagtawag niya ulit.
"Oh! Hi, Ate Nadia!" bati ni Arkie na kumaway pa sa akin.
Sinenyasan ko siyang manahimik kaso huli na, nasa likuran ko na si Kuya Rojan.
Agad akong lumuhod sa harapan niya. "Sorry na, Kuya Rojan! Hindi na muulit pa, sadyang nag-try lang naman akong basahin iyong libro mo! Na-curious ako! Please, huwag ka na magalit sa akin!" paghingi ko ng tawad.
Hindi sa natatakot ako sa kaniya dahil papaluin niya ako kundi natatakot ako na baka hindi na naman niya ako pansinin at baka tingnan niya naman ako ng masama.
Basta nakakatakot siya paggalit!
"Kapag hindi mo kasi gamit, huwag kang makialam," mahinahon niyang pangaral pero ramdam ko ang talas ng mga salitang lumalabas sa bibig niya.
"Opo! Sorry na kasi! Huwag ka na magalit!"
Mas natakot nga ako nang magsalita siya ng Filipino.
"Don't ever try to touch my things again," pag-uulit niya.
Tumango naman ako habang nakanguso.
"Rojan, what is this again?" tanong ni Mommy Clara.
"She touched my things and she's overreacting now," sagot ni Rojan.
"Hay naku! Tumayo ka na d'yan, Nadia," utos ni Mommy na mas kinanguso ko.
"I have something for you," sabi ulit ni Mommy Clara na may inilabas na cake.
"Happy 15th birthday, Nadia!" bati niya at hinalikan ako sa pisngi.
"Happy birthday, Ate Clara!" bati rin ni Arkie na hahalikan din sana ako sa pisngi pero pinigilan siya ni Rojan.
"Why are you blocking me, Kuya Rojan?" nagtatakang tanong ni Arkie.
"Don't kiss her," sagot ni Rojan.
"Why?"
"Just don't."
"Heh! Mag-iihip na ako ng kandila! Shh!" pagpapatahimik ko sa kanila.
Pinikit ko ang mga mata ko at nag-wish saka hinipan ang kandila at sa muling pagmulat ko ay maraming tao na ang nakapalibot sa akin. I'm with my red gown.
"Happy 18th Birthday, Ate Nadia," bati ni Arkie at mabilisan akong hinalikan sa pisngi at saka tumingin sa gawi ni Rojan na may kinakausap.
"Just checking, baka kasi bigla akong mabatukan."
Tumawa ako. "Ikaw talaga! Thank you!" tugon ko at ginulo ang buhok niya.
Ang bilis ng panahon. 18 na pala ako.
"Happy?"
Tumango ako at mas ngumiti. "Thank you for everything, Kuya Rojan!"
"You're not my sister, don't call me 'kuya'," pambabara niya na kinasama ko naman ng tingin.
"Ewan ko sa 'yo!"
"Oh! Here she is..." aniya na nakatingin sa babaeng naglalakad habang may mga nakaitim na lalaking nakapalibot sa kaniya.
"Who is she?" curious na tanong ko.
"I'm not sure, but she will be my fiancee," sagot nito dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.
"No... I don't want her to be your fiancee," bulong ko habang nakatingin sa mukhang barbie doll na babae.
"Why?" Narinig niya pala ang bulong ko.
"Ayaw kong may ibang babae pa sa buhay mo, I want it just only... Me."
![](https://img.wattpad.com/cover/312820416-288-k419964.jpg)
BINABASA MO ANG
Owning What's Mine (COMPLETED)
قصص عامة"I just want to feel love but everyone see me as a crazy bitch who always wants an attention. Kailan kaya ako magiging kamahal-mahal? Kailangan kaya mapapasaakin ang dapat sa akin?" -Maria Clara Vinzella (The Protagonist but Villain of her story)