"Are you okay?" bungad na tanong ni Mizzy nang makapasok ako sa classroom.
"Huh? Why did you asked?"
Ngumuso siya. "Kasi hindi ka maaga pumasok kagaya ng dating oras nang pagpunta mo sa school tapos ang gloomy ng mga mata mo," paliwanag niya na halata ang pagka-concern niya sa akin.
"People changed and my eyes are not gloomy. Paano mo naman nasabi na ang gloomy ng mga mata ko?" nagtatakang tanong ko habang nakapamewang na yumuyuko dahil sa hindi gaano siya matangkad.
"Basta gloomy ang mga mata mo.... Para kang may pinagdadaanan? Tungkol ba 'to kay Ked?"
Umiwas ako ng tingin at tuluyan nang naglakad papunta sa chair ko.
"Don't mention his name," pakiusap ko at naupo.
"Huh?! Bago 'yan, a!" bulalas niya. "Bakit?"
"Dahil ayaw ko siyang pag-usapan. Can't you read between the lines?" wika ko.
"Okay! Sorry, Boss!"
Umalis na siya sa harapan ko at pumunta sa sariling upuan. Wala ng gumulo sa akin dahil si Avin ay busy sa pakikipag-usap sa boyfriend niya sa phone na nasa kabilang building lang naman pero kung makipag-usap siya ay para bang ilang taon nang nawalay sila sa isa't isa.
Ewww!
"Parang tanga," wika ko at pinagpatuloy ang pagbabasa ng notes na nakasulat sa hawak kong notebook.
Mizzy's Point of View
"I think there's something wrong with her, oniisan..." I whispered to my brother while looking at my Boss. She's busy reading her notes.
"I also sensed that. Feels like, she's hiding her real emotions," tugon ni Kuya Haru habang nagbabasa ng libro.
"Ano kayang problema niya?"
"Syempre lalaki na naman niya," anang Kuya Haru na nasa libro pa rin ang atensyon.
"Can we snatch her away? Kunin na lang natin siya sa kanila," suhestiyon ko habang nag-aalala na nakatingin kay Boss.
"We can't, it's not yet her time to come with us," sagot ni Kuya Haru at sinarado na ang libro niya at pagkatapos ay tumingin sa gawi ni Boss.
"Nag-aalala na kasi ako lalong-lalo na sa future niya... Paano kapag kailangan niya ng sumama sa atin? Hindi niya kakayanin, Kuya."
"Kaya nga dapat ngayon pa lang ay tulungan na natin siya, kailangan na natin siya ihanda because after all it's her destiny," seryuso sabi ng kapatid ko.
Huminga ako ng malalim at ngumiti saka naglakad palapit sa gawi ni Boss.
"Boss!"
Nagtataka siyang tumingin sa akin.
"Andito ako palagi para sa 'yo!" Ngumiti pa ako ng napakalawak at nag-tumbs up.
"Okay? Whatever!" aniya at inirapan ako.
She's kind and caring person. Siya iyong tipo ng babae na ipaparamdam sa 'yo na mahalaga ka sa kaniya sa paraan ng pagkilos kabaliktaran sa mga lumalabas na mga salita sa bibig niya. Nang makilala ko si Boss, sumigla ako, natuto ulit ako tumawa at magbiro ng walang halong pag-aarte.
At first, I'm just acting as friendly and bubbly girl. Pero hindi nagtagal ay napansin kong hindi na ako umaarte at nagiging ako na ako. I'm not pretending anymore.
I will always be with you, hindi kita hahayaan mag-isa Boss.
Thank you, Clara.
![](https://img.wattpad.com/cover/312820416-288-k419964.jpg)
BINABASA MO ANG
Owning What's Mine (COMPLETED)
General Fiction"I just want to feel love but everyone see me as a crazy bitch who always wants an attention. Kailan kaya ako magiging kamahal-mahal? Kailangan kaya mapapasaakin ang dapat sa akin?" -Maria Clara Vinzella (The Protagonist but Villain of her story)