C-26: Warm of Love

205 7 17
                                    

Angela's Point of View

Hindi ko aakalain na dadating ang panahon na magiging okay kami ng kapatid ko. She starts to talk with me and having long conversations.

Parang nasa alapaap ako sa saya.

"You're so happy... Ano ba ang ganap?" tanong ni Vhal.

"Kinakausap na ako ni Clara! Feeling ko, okay na kami!" masaya kong kuwento.

"Huh? Paano? E, galit na galit iyon sa 'yo," nagtataka niyang puna.

Ngumuso naman ako at pinagkrus ang mga braso.

"Bakit? Hindi ba pwedeng nagbago na si Clara?"

"Hindi naman sa ganoon, nawe-weirduhan lang kasi ako sa kinikilos niya ngayon kasi parang kahapon lang ay ayaw na ayaw niyang dumidikit ka sa kaniya o hindi kaya'y gusto ka niyang sabunutan kapag nakikita niyang magkasama kayo ni Kedric... Kaya nakakapanibago lang."

"Basta okay na kami Clara!" pagkukumbinsi ko sa sarili ko at ngumiti.

"Mag-iingat ka pa rin, baka may pinaplano na ang bruha mong kapatid," bulong niya na narinig ko naman.

"Hoy! Huwag mo ngang tawagin ng ganyan si Clara!" saway ko na kinataas naman ng dalawa niyang kamay.

"Chill! Sorry."

"Hmmp!"

Natahimik kami ng ilang minuto hanggang sa may biglang lumapit na dalawang lalaki, yung isa ay may hawak ng bouquet of white carnation.

"Sinabihan ko na kayo na tigilan na ako, 'di ba? Bakit may paganito na naman?!" reklamo ko pagkakita ng dala nila.

"Baliw sa 'yo ang kaibigan namin, e!" anang isa na umakbay sa lalaking may hawak ng bulaklak.

"Yes, he really is despite to his situations. He's really damn walking red flag, isn't he?" pagsang-ayon ng inakbayan na lalaki.

"Iyon na nga, alam niya naman ang sitwasyon namin. Masasaktan ang kapatid ko..." Napayuko ako sa sinabi kong iyon.

"Be selfish, sa pagkakaalam ko ay matagal ng sinasabihan ni Ked si Clara na wala siyang gusto rito kaya baka naman matauhan na si Clara. I heard, both of you are already okay," wika ng lalaking may clean cut hair na kung makangiti ay parang nang-aasar.

"I agree, gusto ka talaga ni Ked at mukhang gusto mo rin naman siya," sabi naman ng lalaking may hawak ng bouquet of flowers. Ang gupit niya ay para pang-Koreano at napaka-inosente niyang tinginan which is kahina-hinala.

"Excuse me? Ang taas naman ng tingin ninyo sa mga sarili niyo?" Itinaas ko pa ang kilay ko.

"Syempre, gwapo kami, e!" mayabang na tugon ng may clean cut hair.

"Red flag rin naman," dugtong ni Vhal.

Sabay na sumipol ang dalawa at tumingin sa malayo.

Mabuti naman at hindi nila tinanggi.

"Hey, Sis!"

Tumingin ako sa nagsalita at awtomatikong napangiti.

"Clara!" Agad akong lumapit sa kaniya at yumakap. "Anong ginagawa mo rito?"

"Uhm, may pupuntahan kasi ako mamaya kaso baka hindi ako payagan ni Papa... Can you help me?" aniya na ngumuso pa.

Ang cute niya!

"Oo naman! Ako bahala! I got your back!"

"Yey! Thank you!" masaya niyang bulalas at yinakap pa ako.

Parang nasa alapaap na naman ako sa saya.

Owning What's Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon