C-02: Starting The Flame

225 10 1
                                    

Pagkarating namin sa bahay nila ay inasikaso agad ako ni Tita Kelra na mukhang nagising namin. Pinagalitan din ako pero kinalaunan ay nilutuan ako ng pagkain pang-alis daw ng hangover ko. Tuwing pinapagalitan kasi ako sa bahay o kung hindi man magka-away kami ni Papa, palaging nasa bahay ako nila Tita Kelra. Minsan nga, isang buwan ako nag-stay roon; kung hindi pa ako ipasundo ni Papa, hindi pa ako uuwi.

"Clara, huwag mo na ulit gagawin 'yon ha? Mabuti na lang talaga at nakita ka nito ni Kedricson kundi napahamak ka na. You're still a minor pa naman," pag-uulit ni Tita sa panenermon niya sa akin.

Ngumiti naman ako. Iyong sermon kasi ni Tita ay may mararamdaman kang care, hindi kagaya ni Papa na gusto lang ako diktahan para hindi ko raw masira ang reputasyon niya.

"Sorry po, Tita. Hindi ko lang po gustong mag-stay sa bahay kasama ang babae ni Papa," paliwanag ko at humigop ng sabaw na niluto niya.

"You mean, Lina?!" gulat na tanong ni Tita Kelra na nakakunot pa ang noo.

"Opo, kilala mo po ba siya?" sagot at tanong ko rin.

"Siya ang first love ng Papa mo..." nag-aalangan na sagot niya.

"So, it's really true pero naguguluhan po ako. How come two years older than me ang isa pang anak ni Papa? Ang sabi ni Papa ay pinakasalan niya si Mommy kasi nabuntis niya... How come hindi niya pa alam na may dalawang taong anak na siya sa... first love niya?" naguguluhan kong tanong.

"Ano?! Anak?!" gulat na tanong ni Tita pagkatapos kong magsalita. Napakurap-kurap pa nga siya ng kaniyang mga mata.

"Opo..." sagot ko at yumuko.

"Ito kasi ang totoo, Clara. Nahuli ng Mamita mo ang Papa mo sa isang room kasama ang Mommy mo, syempre conservative ang Mamita mo kaya agad na pinakasal ang dalawa. Gano'n din ang hiniling ng pamilya ng mommy mo, sa pagkakaalam ko," kwento ni Tita na kinatango ko naman.

"Kaso hindi naman nabuntis ng Papa mo ang Mommy mo after their 'you-know' at dalawang taon muna ang lumipas bago ka dumating," medyo nahihirapang paliwanag ni Tita Kelra. Mukhang nag-aalangan pa siyang magpaliwanag sa akin.

"Then, my hunch is right," sabi ko at tumango-tango pa.

"Iyon nga ang nangyari kaya itong anak ko, dapat ayusin niya ang buhay niya dahil babangasan ko talaga siya pag may ginawa siyang kagaguhan!" anang Tita Kelra na piningot pa ang tenga ni Ked.

"Mom, masakit!" reklamo ng kababata ko.

"Sa akin na lang siya, Tita," seryosong wika ko na kinakurap ng mga mata ni Tita at kinalaunan ay tumawa.

"Sige ba! Just make him fall in love with you, iha!" pabirong sagot niya at ginulo ang buhok ko.

Pero ang pabirong suhestiyon ni Tita sa akin ay sineryoso ko.

***

Hindi gaano masakit ang ulo ko sa tulong ng pagpapakain sa akin kagabi ni Tita ng pampaalis ng hangover. Hinawi ko ang kurtina ng kwarto ko rito kina Tita Kelra, binuksan ko rin ang bintana at dumungaw. As usual, nandoon si Ked sa malaking garden nila at nagpa-practice ng soccer.

Ngumiti ako at pinagmasdan siya. Ang galing ni Ked mag-soccer at bata pa lang kami ay pangarap na niya talagang maglaro sa isang international soccer game. Sa katunayan nga, isa siyang varsity player sa university namin.

"Bumaba ka na d'yan!" sigaw niya habang pinapatalbog ang bola niya gamit ang paa, tuhod, at ulo. Maya-maya ay ibinaba niya ito sa damuhan at pinatungan ng paa.

Tumingala siya.

"Oo na, bababa na!" sigaw ko pabalik.

Owning What's Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon