Angela's Point Of View
Nag-aalala ako sa kapatid ko. Kanina pa kasi siya nawawala, humingi na rin ako ng favor kay Kedric na hanapin si Clara pero hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik siya kasama ang kapatid ko. Halos karamihan ay paalis na kaya karamihan ng mga kasambahay ng pamilyang Villareal ay naglilinis na ng mga kalat na naiwan ng mga nag-party na karamihan ay mga anak ng mga bisita nila Tita Kelra.
"Magpahinga ka na, Ma'am," suhestiyon ng isa sa katulong.
"Siguro nga po... Inaantok na rin ako," pagsang-ayon ko.
Iginiya ako nito papasok sa bahay ng mga Villareal at dinala sa kwarto na pwede ako magpahinga.
"Thank you po!" pagpapasalamat ko na kinangiti at bahagyang kinayuko ng katulong na sumama sa akin.
Nahiga na ako sa kama at inalala ang mga nangyari sa buhay ko sa nagdaang mga taon.
Halos isang taon din nanligaw si Kedric bago ko siya sinagot at sa katunayan ay hindi pa nagtatagal noong mag first aniversarry kami.
Ang saya sa feeling, iyong hindi ko pinipigilan ang sarili ko na mahalin siya at mahalin niya ako.
Sana magtagal pa 'tong kasiyahan na nararamdaman ko.
Kinabukasan ay nagimbal ako sa naabutan ko sa kwarto ni Ked. Halos manghina ako sa nakita ko.
In my boyfriend's bed, there's two people laying and both of them... are naked.
I want to screamed in anger but I choose not to.
Instead doing scandalized scene that I have rights to do, I choose to walk outside of Kedric's door and close it peacefully.
Inilagay ko sa bibig ko ang dalawang kamay para maiwasan makagawa ng ingay dahilan para makakuha ng atensyon ng iba.
Halos manghina ako kaya't sumandal ako sa pader hanggang sa naramdaman kong dumausdos na ako at saka napayakap sa dalawang binti.
Ipinagpapasalamat kong walang pumupunta na kasambahay sa direksyon na ito.
Halos kalahating oras akong nasa ganoong estado, noong una ay hindi pa rin matanggap ng utak ko ang nakita ko pero ito ang reyalidad.
My boyfriend is sleeping with my sister.
Mayamaya ay biglang nakarinig ako ng kalabog sa loob ng kwarto, looks like, they are fighting hanggang sa biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang may suot ng damit na si Ked.
Gulat ang rumihestro sa kaniyang mukha nang makita ako. He immediately kneel in front of me.
"G-Gela..." he uttered what my nickname to him.
Alam kong magang-maga na ang mga mata ko kasi kanina pa ako iyak nang iyak.
"You hurt me, Kedric. Ang sakit-sakit," nanghihinang wika ko.
The tears flow from his eyes. "I'm sorry..."
Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatingin sa kaniya na may nagtatanong, galit at nasasaktan na emosyon.
"I can't accept your sorry for now," halos pabulong na tugon ko.
Kahit hinang-hina ako ay pinilit kong tumayo habang siya ay nanatiling nakaluhod sa harapan ko at nakayuko habang umiiyak.
"P-panagutan mo a-ang kapatid ko," huling sambit ko at tuluyang tinalikuran siya.
Nahagip ng mga mata ko ang nasa pintuan na si Clara na kumot lang ang tinatakip sa hubo't hubad na katawan niya.
BINABASA MO ANG
Owning What's Mine (COMPLETED)
Tiểu Thuyết Chung"I just want to feel love but everyone see me as a crazy bitch who always wants an attention. Kailan kaya ako magiging kamahal-mahal? Kailangan kaya mapapasaakin ang dapat sa akin?" -Maria Clara Vinzella (The Protagonist but Villain of her story)