Chapter 6~

161 2 0
                                        

Athena pov:

"Hindi ba ako ma f-full storage nito?" tanong ni sanya na nakatingin sa cellphone nya at nag i scroll ng mga picture namin. Ang dami na kase.

Meron sa ferris wheel na mismo, tas meron ren nung nakapila kame. Meron yung nasa bench kame tas may hawak kaming nachos lahat. Yung iba ang hawak namin cotton candy. Si kiana marami ring picture saken, mas nagustuhan ko yung may hawak syang lobo na pikachu ang design tas stolen, nakuhaan ko syang tumatawa. Ngayon naka wallpaper na saken.

"Hindi yan, napaka local naman ng cellphone mo kung ganon!" saad ni jessica, umirap lang si sanya sa kanya.

"Sakay uli tayo sa ferris wheel." aya ni rizzy.

"Ayoko pa palang mamatay ng maaga" saad ko. Nagkanda suka suka kase ako kanina pagkababa namin.Jusme tas mag aakit pa sila ng 1 ride!

"Ang weak mo naman!" sabay sabay na banggit nila.Binato ko sila ng popcorn isa isa kaya nagsitawanan sila.

"Tara na sa mall,Doon na tayo kumain." Yes! Dinner na. Kanina pa kame dito sa park na to. Umaga pa lang. Buti may kainan doon sa labas. Sarado pa kase dito sa loob, nung pumasok kame kaninang mga 3 na bago pa lang sila napasok.

Gago napaaga kame!

Yung mga tindera rito sa loob bago pa lang nag hahanda. Tanging yung mga lobo pa lang ang nabili namin. Hinintay naming dumilim. Nag gala muna kame sa ibang park para malibang si kia. Nung medyo pagabi na bumalik na kame sa amusement park. Kahit papano may mga tao na rin naman kaya nag simula na kaming nag enjoy.

"Mommy, are we going to buy a toys?" excited na tanong ni kia.

"No, kakabili mo lang kahapon diba?" simangot ko. She pouted and cross her arms.

"But that toy is from daddy arthur right" she irritated said.

OMYGAD! Her attitude is attacking me!

"Daddy arthur huh!" sabay sabay na ngumisi ang mga gaga. Sh*t.

Lamunin mo ko lupa!

Kung pwede lang tumalon dito sa van kanina ko pa ginawa. Aasarin nanaman ako dito, tas lulunurin ng mapang asar na tanong.



Ng makarating sa mall ay dumeretso kame sa bilihan ng damit para makapagpalit na raw kame.

"Ang gastos naten." saad ni ate rhich.Tumawa lang kame at namili ng simpleng pampalit.

Bago namin ibihis ay tinanggal muna namin yung mga presyo. Naka couple couple tshirt kameng lima. White tshirt, tas pinalagyan namin sa harap ng pangalan namin tas sa likod yung surname.

"Shuta! Ang cute!" tili ni rizzy pagkatapos i click yung camera na nakatapat saming lima. Si kia ay binihisan ko lang ng cotton short tas up shoulder na plain black. Nandon sya sa may bench sa tapat namin kumakain habang nanonood sa tablet nya.

"Ano sa inyo?" tanong ni  ate.rhich.

"Kahit ano.proud at sabay sabay na sagot namin, umirap lang sya saming apat.

"Huwag na kayong kumain." Sagot niya at nag tawanan kaming lahat.

Habang nag hihintay ng pagkain ay nag post ako sa twitter. Yung picture namin ni kiana na magkasama. Kumakain kame parehas ng cotton candy.

The Happiness Of Pain Stories to obsess over. Discover now