"Athena let's eat." Pagkatok ni kuya sa kwarto ko.
Tumingin ako sa orasan at nakitang alas nuebe na pala ng umaga.Kailangan ko na ring mag almusal dahil hindi ako kumain kagabi,Ang haba raw ng tulog ko sabi ni mama.
Napuyat rin ako kagabi dahil hindi ako makatulog,Kaya gumawa nalang ako ng mapaglilibangan.At yun ay ang manood ng k drama.Isang movie ang natapos ko kagabi,Umaga na ako dinalaw ng antok.
"Inaantok pa ko kuya." Maktol ko pagkalabas ng kwarto.Nag unat pa ako ng braso at humikab dahil inaantok pa talaga ako.
"Tsk.Kaka K-drama mo yan." Sermon nya na sinamahan pa ng irap.
Ay!
"Kelan nyo daw ba balak mag apply iha?" Tanong ni tita habang kumakain kame ng almusal.
Pinag uusapan kase namen yung tungkol don sa pag a-apply namin sa kompanya.Sa totoo lang ay wala pa akong balak dahil gusto ko muna masulit itong mga araw na wala pang stress na haharapin.
"Tatanungin ko na lang po yung dalawa." Sagot ko na lang at tumayo na dahil tapos na akong kumain.
"Akyat po muna ako ma,tita." Paalam ko.At hindi na hinintay ang sasabihin nila at dali daling tumaas.
Umupo ako sa dulo ng kama at nag chat na lang doon sa dalawa.
To ate akira.
Kelan raw tayo mag a-apply?
From ate akira.
Sa friday?Siguro naman tama na yung one week na lumipas mula nung mag bar tayo diba?So final na.Friday.Sabihin mo nalang kay Jessica.
Naalala ko na naman yung sa bar.Holyshit!
Isang linggo na nga naman ang nakalipas mula ng mag bar kame.At mula ng may mangyare samin ni arthur.Hindi ako lasing non at alam kong gayon din sya kaya alam ko ang ginagawa ko.
Mula non ay hindi na uli kame nag usap,Ni kahit mag kita ay hindi na kame pinagtagpo.Hindi ko na rin alam kung nasaan na sya ngayon.Ang alam ko lang ay mag e-engineer sya pero hindi ko alam kung saang company.Pero mas malakas ang kutob ko na hindi lang engineer ang trabaho nya,For sure na ipapamana rin sa kanya ang dell-valle corporation company.
Malakas akong napabuntong hininga dahil hindi ko alam kung pano ko sya haharapin o kung magkakaharap pa ba kame ule.
Hindi sa ikinakahiya ko na may nangyare samen,Sabik rin naman ako sa kanya dahil ilang taon rin nung huli naming ginawa yon.Naiilang lang ako dahil may nagyari samin kahit ganon na lang ang klima ng pag uusap namin.
Malamig.
Nag r-ready na ko para pumunta sa coffee shop kung san kame magkikita kitang lima.Paalis na kase si rizzy kaya nag akit syang mag meet muna kaming lahat,Medyo matatagalan nga naman sya don dahil doon nya napag desisyunang mag trabaho.Sa america,Kung san nandoon ang malaking kompanya ng daddy nila.
Naka white dress lang ako white shoes rin na puti,Para partner.Hinayaan kong nakalugay ang buhok kong hanggang baba ng dibdib ko.
"Alis na ko kuya." Saad ko pagkababa at naabutan si kuya na nasa sala habang nag abala sa cellphone.Tumango lang sya sa aken kaya lumabas na ko.
Nasa company sila mama at tita,Si kuya ay hindi pumasok.Hindi ko rin alam ang rason nyan,Tinatamad siguro?
"Hey girls, Here's your queen." Pagod akong umupo sa tabi ni ate akira,Si sanya na lang ang wala.
"Pa VIP lagi ha!" Sambit ni Jessica.Natatawa akong umirap dahil pinakyuhan nya pa ako.
"Ang tagal naman ng babae-"
YOU ARE READING
The Happiness Of Pain
RomansaAthena Christine our main character. Experience a lot of things that make her life miserable. She become a queen of gang because of his partner Arthur jace. When the war is over she thought there's no more challenges will come to her life. But she'...