Athena pov:
Ilang ulit akong huminga ng malalim bago maisipang pumasok sa bahay.Sigurado naman akong wala silang tatlo dito.Hindi pa ako handang harapin sila.Paulit ulit ko ring sinabi na hindi na ko iiyak kaya wag na muna ngayon.
"Mommy!"sigaw ni kiana pagkapasok ko pa lang sa main door.Lumapit sya sa akin at umupo naman ako para mapantayan sya.
Kita ko ang lungkot sa mukha nya ng hawakan ang mata ko na mugto.Maliit lang akong ngumiti sa kanya.
Naiiyak na lumapit saken si samantha at yumakap.Yumakap na lang din ako sa kanya at tinapik ang likod nya.
Hindi ko ipinahalata ang gulat ko ng makita si mama at tita sa may kusina na nakatingin sa akin.Wala akong nagawa kundi ang tingnan ang mga tingin nila ng malamig.Maging si kuya ay ganoon din ang ginawa ko.
"iakyat mo na si kiana sa taas,Susunod na ko may hahanapin lang akong folder"saad ko kay sam.Tutol ang mata nya ngunit mabilis rin na tumango.
Ng makataas sila ay dumeretso ako sa may pagkalaki na devider na naglalaman lang ng mga papeles at folders Yung iba ay nasa envelope pa at ang kakapal.
"Athena, Let's talk."seryosong saad ni kuya sa may likudan ko.
Humarap ako sa kanya ng blanko ang mukha.
"Tinapos ko na lahat kagabi kuya.Theres no need to talk about"malamig na saad ko.
Bilib ako sa sarili ko dahil nakakaya kong maging malamig sa kanila.Kahit kase isang beses lang noon para akong stick na isang tungkod lang bigay agad.
"We're worried about you last night.San ka natulog?"seryosong saad nya.Tumingin ako kila mama at tita na ganoon din.I laugh sarcastic and fight his serious look.
"Worried?Wow!Nag alala pala kayo saken non.Kala ko kase wala na kayong pake-alam saken eh!"mapait na saad ko.Lumapit si mama sa amin.
"Athena,Anong tingin mo samin?Tanga para hindi ituring na pamilya ka?Anak kita athena."muli nanaman akong napatawa.
"Kasama na rin ba yung hayaan ako?Alam nyo kung bakit nagkakaganito ako?Dahil din naman sa inyo eh!Oo na guilty ako na sinagot ko si kuya.Kase kahit kelan naman di ko ginawa yon eh."isang luha nanaman ang pumatak sa mata ko.
"Eh kayo?Na guilty rin ba kayo na hindi nyo manlang ako pinigilan sa pag-alis kagabi?Na guilty rin ba kayo sa mga alam nyong nararamdaman ko matapos yon?Sa lagay nyo ngayon parang hindi naman eh!Nagagawa nyo pa ngang sermonan ako matapos lahat!"patuloy lang sa pag tulo ang mga luha ko at halos mapunit na yung folder sa higpit ng hawak ko.
"Kagabi!Si samantha lang yung pumigil saken.Hinintay ko na tawagin nyo ko at sabihing athena magpahinga ka na lang muna sa taas,Athena wag ka ng umalis.Pero hindi eh.Pinanood nyo lang akong gawin yon.Wala akong nagawa kundi ang humingi ng tulong kila ate aki para palakasin ang loob ko.Pero tang'na sa tuwing naiisip ko na hindi na talaga ko importante sa inyo....Walang nangyayari.Kahit isang karayom lang na tumutusok sa puso ko walang natanggal."napahilamos si kuya sa mukha habang si tita ay tahimik na umiiyak sa kinatatayuan nya at si mama naman ay nasa harapan ko.
"Ganon na lang yung sakit kase kayo yung pinaka importante saken.Kayo yung kadugo ko eh.Sinabi ko sa sarili ko ng paulit ulit...Na hindi ko na kayo iiyakan.Na hindi na ako iiyak!Pero hindi ako makapaniwala na heto nanaman ako!Umiiyak nanaman.Naisip nyo ba na minsan ko ng inisip na sobrang hina ko na dahil mula ng iwan ako ni tito leo.Hindi na ko tumigil sa pag-iyak.Kung nandito sana si tito hindi ako ganto ka apektado kase may iisipin ako na hindi dapat ako manghina dahil nandyan naman si tito.Andyan naman yung balikat nya para pagpahingahan ko kahit ilang minuto lang kung pagod na ko."natahimik silang lahat habang ako ay iyak ng iyak.
YOU ARE READING
The Happiness Of Pain
RomanceAthena Christine our main character. Experience a lot of things that make her life miserable. She become a queen of gang because of his partner Arthur jace. When the war is over she thought there's no more challenges will come to her life. But she'...
