Athena pov:
Ang boring naman pumasok ngayon. This day kase malalaman kung sino yung lalaban sa ssg kaya walang klase.Kaso ano ba namang magagawa ko eh VP ako.
"Oh, tita asan po si tito?" tanong ko ng mapansing si tita lang ang nasa kusina tulala pa. Nang mapansing nyang nakatayo na ko sa gilid nya ay inayos nya ang sarili nya sa pagkagulat.
"A-ahm n-nasa taas iha...Ahm nag papahi---Este may ginagawa pala." tumango tango pa sya at ngumiti na naging ngiwi kaya tumango na lang ako kahit napipilitan.
Kumain na lang ako ng almusal at gaya ng ginagawa ko ay umakyat ako sa taas para mag ayos ng sarili at maghanda sa pagpasok. Nagpaaalam muna ako kay tita na aalis pero tulala sya kaya umalis na lang ako, pero bago ako makalabas ay narinig ko pa ang singhot nya kaya napatingin ako sa kanya pero hulina..Nakatalikod na sya sakin at nag pupunas ng...luha? Umiiyak ba si tita?pero bakit?
Hindi ko naman inubos yung ulam ah?
Pagdating sa school ay hindi pa rin maalis sa isip ko na umiiyak si tita bella kanina pagkaalis ko sa bahay. Pero bakit nga? Aishh! Ano ba yan!
"All student in gymnasium." saad ng prof sa malaking speaker kaya lahat kame ay napatayo.
Alam kong doon i a-announce yung mga nanalo sa lalaban kaya kami pinapapunta roon. Ano ba namang pake ko dyan.Ni hindi nga ako interesado eh.
Tabi tabi kaming nakaupo sa upuan nila sanya at jess sa may harapan ng stage. Uunahin daw muna ang mababang posisyon bago pataas,uunahing i announce.Ng dumating na sa secretary ay doon na nakinig ang tenga ko dahil simula roon ay mataas na ang posisyon mo.
"And for secretary ng group 2 is Ms. Yanna rye." saad ng prof. Tumayo si yanna at nag flip pa ng hair bago nag bow.
Katayin kita eh!
"For vice president ng group 1 is Ms. Athena christine alvares" ANO??! Nanlaki ang mata ko sa narinig. Sinamaan ko rin ng tingin sila sanya na nagpipigil na ng ngisi at tawa ngayon.
Kahit hindi interesado ay tumayo ako at tipid na ang bow.
"And to our president from group 1 is Mr. Arthur jace dell-valle" nagpalakpakan ang mga tao ng nag bow si arthur.
Matapos lahat ng klase ay maaga akong nakauwi sa bahay pero wala sila tita at tito, tiningnan ko na rin sa kwarto nila pero wala. Tiningnan ko ang cellphone ko nagbabakasakali na may text sila pero walang bago yung convo.
Tinawagan ko si tita ng ipang beses pero unreachable talaga, maging si tito ay ganon rin ang cellphone. Naka off?
Pumunta na lang ako sa taas pagkatapos kumain ng hapunan at nag review na lang ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ang caller pero unknown number.
"Hello?"saad ko.
(Mommy?Is it you na po ba?) napatayo ako sa kama ko habang nanlalaki ang mata sa gulat.
"Kiana?Yes baby si mommy to"
(Mommy i want to go with you,Pwede po bang dyan na ko uli sa inyo?)
kung nakikita ko lang sana ang mukha nito ngayon alam kong nakanguso to.
Bumuntong hininga ako at nag isip ng maayos. Mariin akong napapikit ng maalala lahat ng nangyari noon. Pero kung sakali mang mangyari ulit yon. Nandito na ako para protektahan sya at hindi ko na uli hahayaan na may mangyaring masama sa kanya.
YOU ARE READING
The Happiness Of Pain
RomanceAthena Christine our main character. Experience a lot of things that make her life miserable. She become a queen of gang because of his partner Arthur jace. When the war is over she thought there's no more challenges will come to her life. But she'...
