Chapter 9~

99 3 0
                                        

Athena pov:

"Anong ginagawa mo dito?" ulit ko sa tanong at nilampasan sya para pumunta kila tita. Humarap uli ako sa kanya ng seryoso.

"Gusto lang kitang makita-"

"Pwes ako hinde!" matigas na putol ko sa sasabihin nya. Gumuhit ang sakit sa mata nya na muntik ko ng ika irap.

"A-Athena? Ikaw ba yan?" namumuo na ang luha nya.

"Tsk. Walang nagbago saken! Ako pa rin to? Ikaw? Nagbago na ba yung ugali mo? Sana naman hindi na ikaw yung dati diba? Sana wala na sayo yung ugali na mang iiwan, at paasa." galit kong saad.

"H-Hindi ganon-"

"Pwes ano?! Anong dahilan ma?! Bakit iniwan moko?! Bakit hindi mo nako binalikan kay tita noon?! Diba sabi mo babalik ka?! Mama nangako ka eh?! Pero anong nangyareIniwan mo ko sa ere! Hindi ka bumalik at mas pinili mong balikan si papa. Mas pinili mo si papa kesa saken, samin!" sambit ko sa kanya. Lumapit sila arthur saken para pakalmahin ako. Tumulo na rin ang luha ko kasabay ng paghikbi ni mama ng mahina.

"Alam mo?" pinunasan ko ang luha ko at deretsong tumingin sa kanya ng seryoso.

"Wala kang kwentang ina! Sana hindi na lang ikaw ang naging mama namin!" sambit ko. Akmang sasampalin nya ko ng may magsalita sa likod nya na ikinagulat ng lahat maging ako.


"Once,You slap my sister.Forget the Fvcking things that you.is.Our.mom!"matigas na sambit ni....

Kuya. That's his voice. Andito na siya.

Seryoso ba to? Nananaginip bako? Parang awa nyo na lord gisingin nyo na ko! Ayoko ng umasa ulit.

"A-alden?" gulat na saad ni mama. Akmang lalapit sya kay kuya ng lumapit ito sa akin at itago ako sa likod nya.

"Don't you dare!" banta nya.

"Bakit ba kayo ganyan saken? Ina nyoko pero parang hayop lang ako sa inyo ah!" sigaw ni mama habang pumapatak ang luha nya.

"Bakit hindi ba totoo?!" pambabara ni kuya. Nagpipigil na ng galit si mama.

"Hindi porke hindi ko kayo nakasama ng maraming taon pwede nyo nakong bastusin ng ganyan! Ako pa ren ang nagluwal sa inyo! Ako paren ang ina nyo---"

"Correction. Walang kwentang ina!" tumagilid ang mukha ni kuya ng makatanggap sya ng malakas na sampal kay mama.

"Alyanna!"sigaw ni tita.

"Konting respeto naman! Ako pa rin ang nag luwal sainyo, sa aki parin kayo nanggaling." Sambit niya samin ni kuya.

"Bakit kami ba ma? Ni respeto niyo ba kami bilang anak niyo? Kung oo hindi mo kami iiwan. Hindi gawain ng isang ina yon, kaya hindi ka talaga ka respe- respeto." Kalmado ngunit galit na sambit ko. Isang sampal ang ibinigay niya rin saakin habang masama ang ipinupukol na tingin.

The Happiness Of Pain Stories to obsess over. Discover now